Chapter 40: Rule

1.9K 59 1
                                    

Sky's POV

"That's a new rule Arkhi. Don't make me jealous" nakasimangot niyang sabi kaya natawa ako nang mahina before messing with his hair.

"Opo boss" saad ko and I saw him smiled.

"Hindi naman siguro nag-aactingnsi Jake? You saw him right? Pale as a ghost." Pag-iisip ko. Stunt lang ba talaga yon? Eh ang putla niya kanina at andaming nainom na tubig.

He rolled his eyes at my statement.

"He probably had cramps while nearing the finish line or it was just really his stunt. He was good though." He said. Napatango naman ako.

"Congrats dre!" pag-cheer ko nang maalala kong hindi pa ko nakakapag-congrats sa kanya. He just kissed my forehead as an answer while smiling.

May pakiramdam ako na parang may nakamasid sa amin kanina pa. Maybe I'm just being paranoid. Ilang months ko na rin nararamdaman 'to eh. Yung parang may nakamasid.

"We should go. Chris and Brylle joined archery I think." Saad ni dre at tumayo na mula sa pagkakaupo namin at hinila niya rin ako patayo.

"Ay oo nga pala! Tara panoorin din natin sila. Si Semira ata sumali dun sa cheering stuff. Tas si Emma at Shev sumali sa chess" paalala ko sakanya.

"Si Ashton ba may sinalihan?" kunot noo niyang tanong.

"Sa badminton ata dre. Laging may dalang raketa noon yon eh" kibit balikat kong sagot habang naglalakad kami palabas sa Forbidden Forest.

Pero sa kalagitnaan ng malawak at madilim na forest ay may narinig kaming mga kaluskos kaya napatigil din ako nang pinigilan ako ni Zafier.

Nagulat ako nang may bigla kaming narinig na isang napakalakas at napakatinis na sigaw ng babae kaya napatakip ako sa tenga ko. Naramdaman ko ang pagtaas ng balahibo ko. Fuck! Saan galing yon?

Zafier looked around us suspiciously. Damn. Nakakakilabot yung sigaw nung babae.

"That's odd..." mahina niyang bulong kaya mas lalo akong na-curious. Nakarinig kami ng mga taong nag-uusap at mga pigil na sigaw.

"Bakit?" bulong ko rin. Imbis na sagutin niya ako ay hinila ako ni Zafier at nagtago kami sa isang malaking puno.

Lumingon ako sa paligid ko trying to find where those sounds are coming from at hindi ako nabigo.

Tinapik ko si Zafier at tinuro ang bandang kaliwa namin. We were covered by the bushes at parehas kumunot ang noo namin sa aming nakita.

May mga scientist na may mga hawak na check boards, tas may table na naka-set up with tons of chemicals na nakapatong. Pero ang nakakapagtaka, sino yung babaeng sumigaw kanina? I'm pretty sure it came from here.

May nasagi akong branch at naglikha ito ng tunog. Napalingon sa gawi namin ang isang scientist kaya agad kaming yumuko. Bigla silang natahimik at nakarinig kami ng mga yabag ng paa. Patay.

"Run" Zafier mouthed at tumango ako at sabay na kaming tumakbo nang hindi nila napapansin. Hanggang sa makalabas na kami sa Forbidden Forest.

"Bakit doon sila gumagawa ng mga experiments?" hinihingal kong tanong. Tsaka human experiment ba ang ginawa nila?

"I don't know either. We have various laboratories in EU. But who screamed?" tanong niya rin.

"Ewan ko ba! Tara na nga! Baka may ini-embento nanamang bago yung EU." naiiling kong sabi at hinila ko na siya.

***

"YES. GO SEMIRA! GO SEMIRA! WOOH!" Mukha kaming tanga ni Emma na nagsisigaw dito sa bench habang winawagayway ang mga pompoms na kinuha lang namin mula sa mga cheerleaders dyan sa gilid gilid. Who cares? Supportive kami eh.
"YAN GO BABE! GAWIN MO PARA SAKIN YAN! AYIEEE!" Pagsigaw ni Ashton na mas kinabog pa kami ni Emma sa pag-cheer. These two are getting sweeter each passing day.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now