Chapter 19: Courtship

2.7K 93 1
                                    

Shaun's POV

Napailing na lang ako habang pinapanood ko ang video ni Sky at Zafier sa prom nila. Binidyohan kasi nila Shev. Handang handa talaga eh.

A part of me is happy na masaya si Sky sa piling ni Zafier, at hindi tuluyang naging tomboy dahil sa pagka-boyish niya, satin na lang yon at baka magkapasa pa ko nang wala sa oras.

But there's also a part of me where I want to punch the living daylights out of Zafier kasi parang kinukuha niya na sakin yung baby sister ko. You can imagine me pouting because of that. Hindi talaga ako sanay.

What can you expect? It was the first time where Sky actually felt something for a boy. Hindi ko mapigilang maging emosyonal.

Parang dati lang ay ako pa ang nagpupunas sa sipon ng kapatid ko.

Actually nagustuhan ko ang pagka-boyish ni Sky dahil talaga namang madali at masayang pakisamahan si Sky. Hindi maarte o girly which I like. Kaya nga magkasundong magkasundo kaming dalawa niyan eh. I heavily influenced her with boyish stuffs.

Aaminin ko nung una kong nalaman na napansin siya ni Zafier ay naging protective agad ako nang palihim. Zafier Aaron Chua is a dangerous man. Demonyo. Kilala ko na yan, kapag nagalit na yan eh talaga namang mahihiya ang kriminal kapag yan ang nakatapat. He was everything bad. Kahit sino naman ay mababahala kapag siya ang pinag-uusapan.

He rarely gets mad. He only gets pissed. Tignan niyo ah, when he's pissed delikado na siya, cruel things already happen what more kung galit na talaga siya? Just thinking about the things he can do when he's mad sends shivers down to my spine.

I've never been a fan of engaging with gangs unlike Sky. Hindi naman ako nasasangkot sa mga ganyang gulo, pero kahit ako ay kilala ko na si Zafier.

Gulat na gulat ako sa pinagbago ni Zafier. Parang ibang tao yung nakita ko. Dati kasi talagang walang imik yan, di ka man lang tatapunan ng tingin, hindi man lang ngumingiti, walang awa, sira ulo, tahimik, masama, demonyo for short. Literal na demonyo ang kaharap mo. Pero ngayon? Parang bumaliktad lahat. Oo meron pa rin siyang side ng pagkademonyo niya pero mas nananaig yung good side niya. Lahat ng yon dahil sa kapatid kong manhid. Medyo napanatag ang loob ko don. Medyo lang naman. Nakita ko ang pagbabago ni Zafier dahil kay Sky at ganon din si Sky kay Zafier.

Natawa nga ako nung makita ko si Sky na nag se-search ng 'What is kilig?' o kaya naman 'Symptoms of heart disease'

God. Sky is so ignorant. Pero ngayon alam niya na mga yon dahil kay Zafier. Doon niya lang naramdaman yung 'heart disease' niya. Loko talaga yung babaeng yon.

Binata este dalaga na talaga si Sky. Kahit one year older ako never akong tinawag non na kuya. Bastos na bata talaga. Pag tinawag ako non ng kuya ibig sabihin may kailangan sakin yon.

Tumayo na ako at pumunta sa park kung saan gustong makipagkita sakin ni Zafier. Ewan ko ba doon. Iniistorbo yung kagwapuhan ko.

Pagkarating ko ay nakita ko sa bandang dulo na ng park si Zafier na nakasandal sa isang puno habang nakapamulsa at naka-earphones.

"Bakit nanaman?" tanong ko at sumandal sa pader habang naka-cross ang dalawang kamay ko sa dibdib ko.

Tinanggal niya ang earphones niya at tumingin sakin.

"It's about your sister" paninimula niya at nagtaka ako nang kumamot siya sa batok niya at lumingon sa ibang direksyon.

Nahihiya ba 'to?

"What about Sky? Nasali na naman sa gulo?" curious kong tanong. Ano meron sa kapatid ko?

"N-No. Hindi naman" nauutal niyang saad kaya mas lalo akong nagtaka dahil sa kinikilos niya.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now