Chapter 21: Threats

2.5K 78 3
                                    

Sky's POV

Kinabukasan ay may pasok na kami so tumayo na ako para maghanda. Hindi ko muna iintindihin yung Scourge. So far wala pa namang nangyayaring masama.

I was about to grab my keys pero kumunot ang noo ko nang wala ito sa sabitan ko ng susi.

Kinapa ko ang bulsa ko baka sakaling nalagay ko na doon. I also checked my bag pero wala. Saan ko nalagay yon?

"Shaun! Nasan yung susi ng latest audi ko?" sigaw ko kay Shaun na nasa taas para marinig niya.

"Nasakin" napalingon ako sa nagsalita at laking gulat ko ay si Zafier pala yon.
Prente siyang nakaupo sa sofa namin with his piercing stares. Paanong nakapasok yan dito?!

"Nag pa-part time job ka ba bilang akyat bahay gang dre?" curious kong tanong. Inirapan niya ako at tumayo siya palapit sa akin.

May inabot siya sakin na isang pirasong bulaklak?

Inabot ko ito habang nagtataka. Is this the ligawan part already? Ganto ba siya manligaw? Ganito na yon diba? Shit anong gagawin ko? Uhm kikiligin ba? Dapat ba may ibibigay din ako? Wala akong alam kung anong gagawin! Calm down Sky!

This isn't the first time that a boy courted you! Bakit ngayon ka lang natataranta?

"Uhm thanks?" sabi ko na lang at halatang hindi ako sigurado kung paano mag-react. Shit. Nakakahiya. Di ko naman kasi talaga alam kung paano mag-react sa ganito! Oo madami akong manliligaw noon pero bakit kay Zafier kinakabahan ako?! Dati hindi naman ako ganito sa mga manliligaw ko ah! Damn. Yung heart disease nararamdaman ko nanaman!

Tumawa siya nang mahina bago ngumiti sakin at inayos niya ang pagkalagay ng sumbrero ko. Napaiwas ako ng tingin because of that simple action ay pakiramdam ko namumula ako. Damn this heart disease.

"I know you would rather choose chocolates than flowers, so that flower is edible. Mint chocolate flavor to be exact" nakangisi niyang sabi kaya agad akong napatingin sa kanya habang nagniningning ang mga mata ko. Parang nawala lahat ng kaba ko kanina.

"Seryoso?!" excited kong sabi habang sinusuri ang isang piraso ng rose. Inamoy ko ito at amoy chocolate nga.

He nodded while smiling at me. Napangisi na lang ako at pumilas ng isang petal sa rose at kinagat ito.

"Woah" amazed kong sabi habang ninanamnam ang chocolate. He chuckled and pulled me by my waist kaya mas lalong nagwala ang sistema ko upon feeling the warmth of his arm around me.

Nasa tapat na kami ng kanyang sports car kaya tumaas kilay ko.

"Hatid na kita" ngisi niya. Damn why do you have to be so attractive?

***

Ngayon bored kaming nakikinig sa professor namin. Well sabi ni Zafier na ihahatid sundo niya raw ako, syempre umangal ako, duh gusto kong mag-drive ng mga babies ko. Kaya nga ako may kotse eh.

Pero syempre nagawa niya akong mapasunod dahil sa hindi maipaliwanag na dahilan. O baka sabihin niyong gusto ko rin? Pwes in a way gusto ko na rin kasi bawas bayad sa gas at libre driver. Why not?

Pagkatapos ng klase ay pumunta na ako sa locker ko. Pagkabukas ko bigla akong kinabahan nang may makita akong papel.

That logo. Scourge.

May isang maliit na papel ang nakalagay sa locker ko. Kulay itim ito na may halong ginto. Tapos ang tatak na symbol na nakalagay dito ay tulad dun sa dagger na nakuha ko. Scourge.

Wala talaga silang pinapalampas. I also have a huge feeling that I interrupted a transacation na dapat mangyayari sa eskinitang iyon. I saw trucks parked near us that day. Inabot ko ito at binasa ang nakasulat sa likod.
"Enjoy the fight that you are destined to lose"

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now