Chapter 50: After Happy Endings

2.4K 49 0
                                    

Zafier's POV

We did it.

Akalain mo, yung patapon kong buhay ay umayos. After graduation ay ako na ang nag-manage ng kumpanya namin, with the help of Sky and my parents. Lalong lumago ang kumpanya. Medyo nahirapan ako, but I survived. I made my own money. We made our own money.

When everything else was settled ay sinurpresa ko si Sky. I finally asked her the question I've been dying to ask since the moment I laid my eyes on her. Maybe that's a bit exaggerated but you get what I mean.

"Will you marry me?"

I damn knew that it was the perfect time to ask this. We were already stable. Financially, mentally and emotionally. Kumbaga, may napatunayan na kami. Kaya di na ako nag-aksaya ng oras. I want her bound to me for the rest of our lives.

They say, a man should pick the perfect ring to use for proposal. I slightly disagree.

Hindi singsing ang ginamit ko para sa proposal ko.

"Susi?" nagtatakang tanong ni Sky habang nakakunot ang noo nito. Natawa ako nang bahagya habang nakaluhod pa rin sa harap niya.

Imbis na 'I do' ang sabihin ng babaeng ito, nagtanong pa. Well I don't blame her.

"It's a key to our house" nakangisi kong saad at nakita ko kung paano nanlaki ang mga mata niya once realization hits her.

"Tangina seryoso?!" natawa ako dahil sa biglang pagmura nito sa sobrang gulat at saya.

Oo. Hindi singsing ang ginamit ko kung hindi isang susi. I bought a house with my own money. Hindi naman ito kasing laki at ganda ng isang mansyon. It was a slightly big house that's more than enough for the both of us.

Susi na ang ginamit ko for proposal para wala na siyang kawala saakin. Am I fucking genius or what?

"I'm waiting for an answer arkhi" nakangisi kong tanong at nakita kong naluluha ang mga mata niya kaya parang may humaplos sa puso ko. Damn.

"Syempre oo! Baliw neto" sambit niya habang pinipigilan umiyak. Napangiti na lang ako ng sobrang lawak at niyakap ko siya nang mahigpit na mahigpit. Sobrang saya ko. Kakaiba sa pakiramdam kapag may nakakamit kang maganda sa buhay.

I practically have everything.

"You actually bought us a house" naiiyak niyang sambit habang nakayakap sa akin nang mahigpit.

"Kinilig ka naman" tukso ko sa kanya kaya nakatanggap ako ng mahinang sapak kaya natawa ako.

"I love you arkhi" sambit ko sa kanya.

"I love you too" sambit niya kaya mas lumawak ang ngiti ko. Kahit ilang beses niya nang nasabi sa akin yan ay di pa rin ako nagsasawa. It still has that same effect. I'm so whipped.

"WHOOO! CONGRATS MGA GAGO!" napahiwalay ng yakap sa akin si Sky nang marinig naming sumigaw si Chris.

"Abnoy" mahinang sambit ni Emma habang naiiling.

"POTA NAKATALI NA! INUNAHAN MO PA KAMI NI BABE" dagdag naman ni Ashton at nagsisisigaw kasama ni Chris habang tumatalon. Napailing ako sa asta ng dalawa. Hyper talaga 'tong mga 'to. Napasapo na lang sa noo si Semira.

"Susi sa bahay? Tangina pre kelan ka pa naging creative?" tawa ni Shev kaya sinamaan ko ito ng tingin. Mas kalmado naman silang dalawa ni Brylle kumpara dun sa dalawang ugok.

"Hallelujah!" sabay na sigaw nina Chris at Ashton. Konti na lang. Babarilin ko na 'tong dalawang 'to.

"Damn kelan kasal? Ay gago. Syempre mauuna honeymoon. Baka nga tapos na eh" tawa ni Brylle at natawa at nailing na rin si Leanne.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon