Chapter 9: Trapped

3.2K 100 5
                                    

Sky's POV

"Ang hirap naman neto" inis na sabi ni Shev habang nakatingin sa hawak naming worksheet sa math.

"Dre ilang beses na nating napag-aralan 'to. Kung si Chris nga naintindihan ikaw pa kaya?" natatawa kong sabi.

"Hoy ano ibig sabihin non?" Naka-pout na sabi ni Chris. Inirapan ko lang siya at nginisian.

"Yun nga eh. Paano niya naintindihan yan? It's so hard to understand! I mean math nga diba? Bakit kailangan pang paghaluin yung numbers at letters! Ang sakit sa ulo!" hindi makapaniwalang sabi ni Shev

"Kaya mo yan. Just follow the rules sa textbook. Seryoso ka ba talaga dre? Ako tapos na ko sa buong worksheet ikaw pangalan at section pa lang nasusulat mo?" pang-iinis ko sa kanya habang nagtawanan pa kami ni Chris na tapos na rin at nag-fist bomb kami. Sinamaan lang kami ng tingin ni Shev.
"Miss Sky?" tawag sa akin ng prof kaya napatingin ako sa kanya.

"Yes prof?" magalang kong tanong. I like this professor. Pantay ang pagtrato niya at alam niya kung ano ang dapat itawag sakin. So may respeto ako sa kanya di tulad nung terror prof nung first day ko rito. Ayan tuloy. Nagwalk out. Di rin tulad nung manyak na professor na yon. Natanggal pala siya sa trabaho thanks to Zafier and charges were filed.

"Are you done? Can you kindly get the files ng class records sa storage room?" she kindly asked.

I shrugged. Boring naman na rito sa klase at walang magawa. So why not? Makakabili pa ako sa cafeteria. Di pa ako nakakakain eh. I was starving.

"Sure professor" sagot ko. She smiled and handed me a key para buksan ang drawer kung saan ito nakalagay. May label naman na so hindi ako mahihirapan. Iniwan ko na lang ang bag ko dahil mababalikan ko naman ito mamaya.

Sa gilid ng aking paningin nakita kong nag ngisian sina Veronica, Janine, Leanne, at Gwen. May galit sakin mga yan eh. I don't know why. Si Veronica talaga ang pasimuno diyan kasi inaagaw ko raw sa kanya si Zafier. Baka naging sa kanya yon.

I frowned. Ano naman kung sa kanya si Zafier? Dapat wala akong pakialam!

Tsk. Bratz. They remind me of the cartoon. Well para sakin sila yon. Ugly version. Ang kakapal ng make up tas ang kikintab ng mga suot tas ang hilig sa heels. Bratz style. Pati ugali. Mga bratinella.

Bratz was a good cartoon and even has iconic characters. Kaya nga sinabi kong ugly version sina Veronica.

Naka-earphones ako as usual habang pumasok sa storage room for files. Madilim actually. I tried opening the lights pero napasimangot ako nang hindi ito gumagana. Great. Naglagay pa ng ilaw, pundi naman.

Binuksan ko na lamang ang pinto for some light. I opened the drawer at kinuha ko na ang class record namin. Nang nasara ko na ang drawer at pagkatalikod na pagkatalikod ko ay biglang sumara ang pinto kaya sobrang dilim.

"Fuck" mahina kong mura. Kumapa-kapa ako hanggang sa maramdaman ko ang door knob. Sa dilim kasi wala ka talagang makikita.

Sinubukan ko itong buksan at napamura ako nang naka-lock ito mula sa labas. What the hell?!

"Hoy buksan mo 'to!" sigaw ko dahil malamang sa malamang may nagsara nito. Alangan namang kusang nagsara yung pinto eh may nakaharang don.

Nakarinig ako nang mahinang pagtawa mula sa labas at galing sa mga babae yon. Lalong nag-init ang ulo ko.

Sabi ko na nga ba eh! Malakas ang kutob ko na ang bratz ang gumawa nito. Those fucking assholes.

"Pag ako nakalabas dito kakalbuhin ko kayo!" I shouted pero wala na sila sa labas.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now