Chapter 45: Sabotage

1.8K 50 5
                                    

Sky's POV

Inis kong pinatay ang alarm clock nang tumunog ito. Istorbo. Pumikit muli ako pero bago pa ako completely makatulog ay may narinig nanaman akong tumunog.

What the fuck? Isa lang alarm clock sa kwarto ko ah?!

Kinapkap ko yung side table ko dahil dun ito nanggagaling. Ay oo nga pala may cellphone pala ako.

Zafier calling...

"Bakit dre?" inaantok kong tanong habang nakapikit pa.

"Aren't you gonna greet me at least a good morning?" tanong niya at ramdam ko na magkasalubong ang kilay niyan. Asus sinusumpong nanaman.

"Good morning! Good afternoon! Good evening! Kamusta! How are you! Mabuhay Pilipinas! Oh magsawa ka sa greetings" sarcastic kong sabi at napairap.

"Ha ha you're so funny" parang robot na sabi niya na walang kabuhay buhay. Aba gago 'to ah.

"Ano ba yon?" inis kong sabi trying to change the topic

"Ready ka na ba? We have a date remember? I'll just meet you at the coffee shop at 10:00 am" sabi niya at nanlaki ang mga mata ko.

Nakalimutan ko!

Napatingin ako sa orasan and mentally cursed. 10 mins na lang!

"Arkhi? You still there?" tanong niya.

"O-Oo! Sige na! Papunta na ko. Bye! I love you!" nagmamadali kong sabi at tumayo na sa kama ko at muntikan pa kong madapa dahil pumalipot sa katawan ko yung kumot.

"I love you too arkhi. See you" He said and I can feel him smiling. Pinatay ko na agad ang tawag at pumunta na sa banyo para maligo.

Hindi ko alam kung anong klaseng ligo ang ginawa ko basta natapos ako sa loob ng 5 minutes.

Kumuha na lang ako ng dark gray na jeans at nagsuot na lang ako ng white na hoodie na may simpleng tatak sa harap at nagsuot na ng sneakers. Medyo malamig na kasi ngayon.

Sasakay na dapat ako sa sasakyan ko pero napasapo ako sa noo ko dahil nakita kong wala ng gas. Tangina naman. Ngayon pa talaga?! Ang galing!

"Whoo! Life is good!" inis kong sabi habang tumatakbo papunta sa cafe pero habang tumatakbo ako ay napatigil ako nang hinila ako ni Jake.

Hinila ako ni Jake? Huh?

"Jake?" nakakunot noo kong tanong and I saw him wearing a polo na pinatungan niya ng white sweater as well. Woah ang cool parang matching kami.

"Sky! San ka pupunta? Pwede mo ba muna akong samahan? Emergency lang kasi eh" Nahihiya niyang tanong pero halata pa rin sa boses niya ang pagmamadali.

Emergency? Hala paano na yan?

"H-ha? Eh kasi. S-si Zafier nag-aan-" Naputol ang pag-explain ko nang magsalita ulit siya.

"Please? Ngayon lang" paghiling niya at natataranta ako kasi di ko alam kung ano pipiliin ko. Nag-aantay na kasi si Zafier tapos eto namang si Jake may emergency. Nagkatitigan kami at hindi ko alam kung anong sumapi sakin. Something about his eyes made me change my mind.

Sorry Zafier.

"S-sige na nga! Tara na bilisan na natin" Pagpapatalo ko at nakita ko siyang ngumiti bago ako hinila.

"Salamat! Tara tulungan mo ko" Sabay kaming tumakbo patungo sana sa park kung saan tutulungan ko si Jake sa kung ano pero napatigil kami sa isang store at nanlaki ang mga mata ko nang makita kong wasak ang buong lugar.

Nagkalat yung mga tinitinda nilang clothes, shoes, accessories at iba pa. Yung mga furniture at bintana basag na. Nagtatakbuhan ang mga tao palayo habang nagsisigawan. Parang may stampede. What the hell is happening here?

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now