Chapter 14: Revenge

2.9K 107 3
                                    

Sky's POV

Sinadya kong maaga akong gumising ngayon. Those bratz. Lintik lang walang ganti.

I did my morning rituals faster than usual because today is a special day, well for me that is. Nakangisi ako nang sinukbit ko ang bag ko sa likod ko before rushing downstairs.

Pagbaba ko wala akong nakitang tao. Since wala ang parents ko rito at nasa abroad for business, as usual. So Shaun must have left. Dumaan ako sa counter ng kusina and saw a sandwich at may note.

Left early for school. Eat this, try skipping breakfast again and I'll confiscate your favorite car. Don't get in TROUBLE Sky

Talagang naka-caps pa yung 'trouble' niya ah. Napailing na lang ako. Napansin niya sigurong lagi akong di kumakain ng breakfast.

Kinuha ko ang sandwich at kinain yon habang nagmamaneho. Pagdating ko sa EU I parked my car at pumunta agad ako sa Forbidden Forest since maaga pa. I have to meet someone.

Kahit maaga pa lang ay nakakapangilabot na ang atmosphere dito sa Forbidden Forest. Sanay na ko dyan. Pumasok ako sa bandang gitna ng Forest at natagpuan ko silang cool na nakatayo o nakasandal sa puno habang naninigarilyo.

"Well well well Sky is back in the game huh?" sabi ng leader ng gang na si Carter. Kasama niya ang mga gangmates niya. Hindi ko sila kaaway wag kayong mag-alala. They are one of my underlings actually. Wag niyo ng itanong kung paano, baka matawa lang kayo.

"Dala niyo ba dre?" diretso kong tanong. I noticed his gangmates where checking me out. I mentally rolled my eyes. Boys.

"Yeah. Mind explaining bakit kailangan mo ng wood glue at super glue na pinaghalo? At bakit ka nagpadala ng lasagna with drinks?" nagtataka niyang tanong bago inabot sakin ng members niya ang dalawang bottled like container na puno non.

"You guys are in my swimming class right?" nakangisi kong tanong habang pinapasok ang mga yon sa bag ko. Nagsi-oo sila at nagtanguan with confused faces.

"You'll see. I suggest you guys to ready your cameras" I chuckled at nakita ko silang ngumisi. Binigay naman sa akin ang isang styro ng lasagna na bagong luto lang at canned softdrinks na malamig pa

"At kaya ko pinadala to kasi nagugutom ako" sabi ko kaya natawa sila nang mahina. Lasagna naman since kaka-carbonara ko lang.

"Thanks for this. If you need my help, let's see what I can do for you" sabi ko at nginisian sila. Nag-hand shake kami ni Carter.

"U-uhm Sky?" biglang tawag ng isang member habang naglalakad ako paalis.

Lumingon ako and saw a guy na mukhang mahiyain kahit nasa isang gang siya. I raised my eyebrows as if asking him why.

"Are you free this weekend?" tanong niya kaya biglang nagsalubong ang mga kilay ko kasabay ng pagtukso ng gang members sa kanya. Inulan ito ng kantyaw kaya napahawak siya sa batok niya at napayuko habang namumula ang pisngi niya.

Is he blushing? Ano bang meron sa weekend? May gang fight ba at kailangan niya ng tulong ko?

"Yes why?" naguguluhan kong tanong at humarap sa kanya. Mukhang mas lalo pa siyang nahiya dahil kulang na lang eh itakip niya ang kamay niya sa mukha niya.

"Can I ask you out on a date?" nahihiya niyang tanong at nagulat ako sa sinabi niya. Date?

Napatingin ako kay Carter na nakangiti lang at naiiling sa gang mate.

Tatanggi pa lang sana ako pero isang boses ang nakaagaw ng pansin naming lahat.

"We got ourselves a brave one here huh?" nakakapagtindig balahibo sa lamig at authority na sabi ng isang pamilyar na boses galing sa likod ko. Nakita ko kung paano namutla ang gang na nasa harap ko habang nakatingin sa likod ko.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon