Chapter 22: Scourge

2.4K 70 4
                                    

Zafier's POV

Something is a bit off. Sky isn't her usual badass self. Parang lagi siyang nakamasid at cautious sa mga galaw niya. Parang nag-iingat siya na baka may bigla siyang magawang mali.

She keeps on looking around her as if she is finding something. Nung nakuha ko yung papel na nalaglag niya ay may masama na agad akong kutob dahil ganon yung pag-react niya. Nahagip ng paningin ko ang papel at black and gold lang ang nakita ko. It doesn't make sense. But it looks oddly familiar.

Nandito kami ngayon nina Shev, Brylle, Chris at Ashton sa Forbidden Forest. Pare-parehas kaming nasa taas ng puno pero magkakaiba kami ng pwesto at puno. Nakatambay lang. Cutting to be exact. Bakit kami nasa taas ng puno? Wala lang. It's breezier up here.

"Yung totoo? Balak ba natin maging unggoy?" sarcastic na tanong ni Brylle habang nakasandal sa trunk ng puno at nakahiga sa sanga.

Napairap na lang kami sa sinabi niya. He would be perfect as monkey though.

"Bat pala may mga pasa kayo?" curious na tanong ni Shev habang nakatingin sa mga braso at mukha nina Chris at Ashton. The bruises aren't that visible from afar but you'll still notice it.

Tumawa si Ashton bago sumagot.

"Nakakainis na yung mga gangs sa ibang universities, kala mo kung sino malakas. Na-ospital pa tuloy" tawa ni Chris at nagtanguan sila ni Ashton. Paano ba naman, nakipagrambol sa ibang gangs 'tong dalawang 'to. Napikon eh. I don't mind though, if ever, I would've joined.

Wait, an idea suddenly popped out of my mind dahil sa sinabi niya.

Gangs? Posible kayang yun yung problema ni arkhi? I also noticed na lagi siyang ingat sa mga gangs.

"Black and gold" maigsi at nagmumuni kong sabi sa grupo. It's really familiar. It's at the tip of my fucking tongue!

"Black and gold? Ano meron?" curious na tanong ni Shev.

"Do you know any gangs na black and gold ang theme?" tanong ko.

"No. Why?" tanong naman ni Ashton na mukhang naguguluhan rin sa tanong ko.

"Nothing" sabi ko na lang. Maybe I'm just overreacting. Yeah. I'm just probably too paranoid.

Natahimik kami ng saglit nang biglang magsalita si Brylle.

"Black and gold right? Isa lang ang alam kong gang na ganon ang theme. They are one of the most powerful gangs ever created" seryosong sabi ni Brylle kaya napukaw ang atensyon ko.

"Anong gang naman yon?" curious na tanpng ni Chris habang iniitsa-itsa ang mansanas na hawak niya.

"Scourge" pagkasabing pagkasabi niya non ay bigla kaming natigilan at parang may dumaan na anghel, demonyo rather. I felt myself stiffen upon realization.

Shit! Oo nga pala. Scourge! Isa yon sa mga gangs na nagpapakitang gilas sa larangan ng underworld. Hindi takot manakit o pumatay ang gang na ito kahit anong edad, kasarian, o kapangyarihan mo pa. Isa sila sa mga kapantay namin. I knew it. Kaya pala sobrang pamilyar.

"As far as I remember walang may alam kung ano ang totoong pangalan o identity ng leader nila. Scourge is indeed a powerful gang" seryosong sabi ni Ashton na parang may naalala.

"Bakit mo natanong? Don't tell me nabangga niyo ang Scourge? We already had a truce with them na walang gulong mangyayari sa atin laban sa kanila" seryosong sabi ni Shev na parang nanenermon.

Yes, we did have a truce. Nag-offer ang Scourge ng kapayapaan mula sa amin. It means na hindi niya kami gagalawin o sasampa sa teritoryo namin para gumawa ng kagaguhan at ganon din kami sa kanya. Pumayag ako kasi kapag nagka-gang fight between sa amin at sa mga Scourge ay isa itong napakalaking gulo at madami ang madadamay, unang una malaki ang grounds ng Scourge at madaming malalakas na members na mahirap talunin at pangalawa, ako si Zafier at lahat ng gangs ay under sakin so I can simply snap my fingers at utusan ang malalakas na gangs to be on my side kung sakaling nagka gang fight.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now