Chapter 37: Back to reality

2.1K 59 6
                                    

A/N: Medyo mabilis at hindi detailed ang pagshift ng mga events dito. Babawi na lang sa susunod na chapter. Enjoy guys. Please vote and comment.

Sky's POV

Dumating ang araw kung saan natapos na ang tour namin sa Rome at kailangan na umuwi.

Hays. I'm gonna miss this place. Thanks to Zafier, Rome is off my bucket list.

Nandito kami sa kotse papuntang airport. Nakapatong si Akhi sa hita ni Zafier habang nakaakbay naman ang kabilang kamay niya sakin. Zafier had someone assist the papers para mauwi namin si Akhi sa Pilipinas. Biglang nag-ring ang cellphone ko. It's Shaun.

"Bakit, dre?" Tanong ko sa kanya.

[Today is your flight right?] tanong niya mula sa kabilang linya.

"Yep. Bakit? Miss mo na ko?" tukso ko.
[Asa. I'm just reminding you na hindi ka makakatapak ng Pilipinas hanggat wala akong pasalubong] pagbabanta niya kaya napairap ako at bahagyang natawa sa inasal ng kapatid ko.

"Mahal mo talaga ako eh 'no?" sarcastic kong sabi.

[Naman! Ingatan niyo yung pasalubong ko pag-uwi niyo ah. Bye sis~] tawa niya bago ako binabaan.

Bwiset na yon. Tumawag para lang paalahanin yung pasalubong. Biglang nag-announce na boarding na ang plane. Nagkatinginan kami ni Zafier. He was intently staring at me while smiling. I smiled back and he kissed my forehead. Him and staring is like a duo thing huh? Well, it's not like I have a problem with that. As long as sakin siya nakatitig. Charot. Nahahawa na rin ako sa possessiveness neto.

"Ready to go back to reality?" he whispered. I smirked and nodded.

*Philippines*

I suddenly missed my friends. Specially those two crazy girls. Emma and Semira.

Nag-landing na kami at sinalubong agad kami ng gang namin. Shev, Brylle, Chris, Ashton, Semira and Emma.

"WAH. NA-MISS KITA!" tili ni Semira at dumamba ng yakap sakin tulad ni Emma at nag-group hug kaming tatlo habang talon sila nang talon. Nag-bro hug naman yung mga lalaki.

Napapatingin sa amin ang mga taong napapadaan dito sa airport at napapangiti ang iba. Habang ang iba naman are giving us weird looks. The fuck we care.

Kumain lang kami at umuwi na kasi may pasok na bukas. I gave them their pasalubongs of course. Lalo na yung magaling kong kapatid.

"Ayon! Akala ko sisipain pa kita pabalik sa Rome eh" natatawang sabi ni Shaun at ginulo ang buhok ko. Si mama at si papa naman todo tanong.

Kibukasan ay literal na back to normal na talaga ang lahat. I almost forgot that I have to wake up early just to attend school.

Naka-earphones ako na naglalakad sa hallways ng EU. Balik sa dating gawi. Cutting. Hindi ata ako makakatapos ng isang araw ng hindi nagcu-cutting.

I was banging my head slightly with the beat of my music nang may biglang tumulak sa akin sa lockers kaya napangiwi ako sa lakas ng impact.

I saw the bratz standing in front of me. Veronica being at the middle of course. Here we go again.

Yep. I am definitely back in my reality.

"So kayo na ni Zafier?" mapait na sabi ni Veronica while glaring at me. Sabi na eh. I smirked.

"Bakit? Inggit ka?" pamimilosopo ko pa. Add insult to injury. Cause why not?

Nagdilim ang paningin niya at biglaan akong sinampal which made me smirk. How cliche Veronica.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now