Chapter 25: Her family

2.4K 75 4
                                    

Zafier's POV

Isang linggo na ang nakalipas simula nung naaksidente si Sky. Nasabi ko na sa pamilya ni Sky at hindi pa sila makauwi agad dahil nasa ibang bansa sila tulad ni Shaun. Di ko alam kung kelan sila makakapunta.

Habang nandito ako sa hospital room ni Sky, binabantayan siya biglang bumukas ang pinto at niluwa si Shaun na mukhang galit na galit na may halong pag-aalala.

Tatayo pa lang ako ay nakalapit na siya sakin at isang napakalakas na sapak ang binigay sakin kaya napaatras ako sa impact at napahawak sa panga ko.

"Tanginang gago ka! What the hell did you do to my sister?! I told you to fucking protect her didn't I?!" galit niyang sigaw at kwinelyuhan ako at muli akong sinapak nang sinapak at sakin niya binuhos ang galit na nararamdaman niya. Bawat sapak niya ay ramdam na ramdam ko ang galit niya. 

Hindi na akong nag-abalang gumanti, I didn't even tried to shield myself from him. This is what I deserved. Nagbabakasakali akong matauhan ako sa mga sapak niya. Pumutok na ang labi ko sa sapak niya at malamang may pasa ako mamaya.

"Shaun! Stop it!" May umawat sa kanya. Si Avery. Hinawakan niya si Shaun at parang kahit papano ay kumalma na ito dahil kay Avery.

Tumayo na ito at humarap muli sakin with a deadly glare, yung mga kamao niya ay nakayukom at halatang pinipigilan niya ang sarili niya na lumpuhin ako.

I understand his reaction, kapatid niya yan eh. I would have probably did the same kapag ganyan ang nangyari kay Zafrina. It's a brother's instinct. Hinawakan ni Avery ang kamay ni Shaun para pakalmahin ito. Biglang pumasok ang dalawang tao na mukhang mga magulang ni Sky at Shaun. Mas lalo akong nakaramdam ng konsensya.

"I'm very sorry" unang lumabas sa bibig ko at tumingin ako sa mga mata niya at kita ko pa rin ang galit. Napatingin ako sa parents ni Sky at nakita kong masama ang tingin sakin ng daddy niya habang ang mama niya ay malungkot lang na nakatingin sakin. She gave me a small smile pero halatang malungkot ito.

Hindi ako nagdalawang isip na lumuhod sa harap nila.

"I'm sorry I couldn't protect your daughter like I promised. I'm sorry for bringing such harm" seryoso kong sabi.

"Iho stand up. It's not your fault" malumanay na saad ng nanay ni Sky at agad akong hinila patayo.

Sky's father was as cold as ice. Kabaliktaran ni Shaun na lumalagablab na parang apoy ang galit kanina. Hindi niya na lang muna ako pinansin but he gave me a warning look bago lumapit kay Sky. Lumapit sakin si Avery at tinapik ako sa balikat at bumuntong hininga bago rin ito lumapit kay Sky.

Lumapit sila kay Sky at napabuntong hininga na lamang ako.

Lumabas muna ako so they can have their family time. Napaupo ako dito sa bench sa garden ng ospital. Nakatakip ang mga palad ko sa mukha ko sa sobrang frustration. 

You really fucked up this time Zafier.

Maya-maya ay napaangat ang tingin ko nang may humimas sa likod ko. I saw Sky's mother. I gave her a sad smile, kahit gaano ako katapang parang bigla akong nanliit dahil sa kanya. She's Sky's mother after all.

"I'm so sorry Mrs. Yu" pag-umanhi ko sa kanya.

"Call me Tita Krystal. It's okay, alam ko naman di mo ginusto ang mga nangyari" sabi niya kaya kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam ko.

"I'm really sorry. Kasalan ko po talaga lahat ng 'to—" pinigilan niya ko sa pagsalita at hinawakan ang balikat ko.

"No iho, don't blame yourself. It was Sky's decision. Kilala mo naman na siguro si Sky, mahilig sa thrill ang batang yan, parang nakikipag patintero lang sa kamatayan, kaya halos atakihin na kami kay Sky sa nerbyos pero alam ko matalino siya at kaya niyang makalabas sa mga gulong napasok niya. Pasensya ka na kay Shaun ah? Close na close ang dalawang yon kaya ganon na lang ang pagka-protective ni Shaun sa kapatid niya" pagkwento ni Tita Krystal saakin habang tahimik akong nakikinig.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now