Chapter 1: Coincidence

6.1K 141 12
                                    

Sky's POV

"Sky! Gising na! Wag mong antayin umakyat ako sa kwarto mo!" sigaw sa akin ni Shaun. My brother. Unfortunately. He's one year older than me.

Napapikit ako nang mariin, not only because of the rays of sunlight shining in my room, kundi dahil na rin sa inis. Minsan na nga lang ako makatulog nang maayos ginagambala pa.

Hindi ko siya pinansin at nagtalukbong pa ng kumot, savoring the warmth and immense comfortability of my bed. Bahala siya sa buhay niya.

"Sky! Gusto mo ba talagang umakyat ako dyan?! Late ka na! First day na first day!" inis niyang sigaw kaya nanlaki ang mata ko at agad napabalikwas ng bangon at napatingin sa orasan.

"Shit!" First day ko nga pala ngayon!

Agad akong tumayo at naligo sa banyo. I don't know what kind of shower I did pero natapos ako sa loob ng five minutes. The Flash probably lended me his powers for a bit.

I just grabbed my white v-neck shirt, my leather jacket, skinny jeans and of course my trusted sneakers. Hindi na akong nag-abalang maglagay ng make up cause I never do. It's so time consuming and difficult. I honestly salute people who knows how to do their make up. I'll probably end up looking like a clown!

Sinukbit ko agad ang bag ko sa aking balikat at nag-slide sa railings ng hagdan namin sa bahay and landed swiftly. It was one of my favorite stunts. It reminded me of my childhood kung kelan muntik na akong mabagok dahil sa kakulitan ko.

Mabilis akong humablot ng isang apple sa counter bago kumaripas ng takbo papunta sa sasakyan ko at nakita kong napailing yung kapatid ko habang kumakain. My parents are probably at work already.

I started driving towards Empire University, EU for short. Driving was an understatement, racing is probably a better term.

I'm Sky, my real name is Shanaia Krystalyn Yu, babaeng babae diba? Nakakarindi. Ang baduy! Mas okay pa yung initials ko. Hindi ko talaga alam anong pumasok sa utak ng magulang ko kung bakit ganyan kaarte at kababae ang pangalan ko.

It also didn't help that I grew up while leaning more on the boyish side.

Everyone calls me Sky, at subukan lang na tawagin ako sa totoo kong pangalan, magkakaproblema tayo. Bata pa lang ay boyish na talaga ako. Walang inuurungan except sa ipis. Can you blame me though?! I hate that fucking flying creature na kung saan-saan dumadapo with its nasty feet crawling everywhere. Lumalabas ang tunay na pagkababae ko kapag nakakakita ako ng ipis. Kahit sino naman siguro.

I parked my car at napansin kong mararangya din ang mga sasakyan na naka-park dito sa EU. Tama nga sila na mayayaman ang nag-aaral dito, kahit sa ibang department. Well I'm not really a transferee, nalipat lang ako sa ibang department at dahil sa lawak ng school ay ibang building ito. So parang new student na rin ako. Ganon kalawak ang campus.

Wala ng tao sa campus kaya mas lalo akong napamura. Late na talaga ako. So just to get things straight. I really have a sailor's mouth. It's a good way of expressing feelings.

Kung sino man nagsabi na hindi maganda sa babae ang magmura, edi tangina nila.

Alam ko naman na ang schedule, at rooms ko dahil sa seminar and tour na binigay sa aming nalipat ng department. Naglakad na lang ako papunta sa kwarto namin, tutal late naman na ako, bakit pa ako magpapagod diba?

I opened the door of my room at automatic na lahat ng mata ay nagtinginan sakin. Narinig ko silang nagbulungan kaya napairap ako. Typical.

Ganda niya dude

Siya si Sky ah? Yung sa kabilang department

Ang boyish talaga niya

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon