Chapter 26: Without Her

2.4K 96 0
                                    

Ashton's POV

Nandito kami ngayon nila Shev, Brylle, Chris at Zafier sa isang club. Wondering why?

"Yeah! Sapakin mo!" sigaw ni Chris habang nagchi-cheer sa dalawang fighter sa loob ng ring. It's kind of a fight club.

"Ang hina pala nung isa" naiiling na sabi ni Brylle habang nanonood din sa baba at uminom sa shot glass. VIP kami dito sa fight club. Nasa taas kami at made of glass halos lahat dito. Sophisticated.

Nagpupustahan kami kung sino mananalo and shit. Taghirap na kami ngayon eh. Kailangan manalo sa pustahan.

"No!" sigaw ko nang tumumba yung manok ko. Anak ng tupa! Ang hina pala neto! Akala ko malakas ang laki ng katawan eh! Puta lampa.

"Ashton yung mercedes benz ko ah? Talo ka" nanunukso pang sabi ni Shev kaya napabuntong hininga ako. Talo.

"Fine. Oh salo" naiiyak kong sabi at binato sa kanya yung susi nung isa sa mga kotse ko. Mas lalo akong namumulubi sa mga pustahan namin eh.

"Brylle talo ka rin! Amina yung mga exclusive albums" nakangising sabi ni Chris kaya napairap si Brylle pero inabot nito ang isang bag na naglalaman ng exclusive albums na milyon milyon ang halaga. Buti naman may karamay ako.

Napatingin kami kay Zafier na halatang lutang habang umiinom ng alak. Ang lalim ng iniisip. Laging ganyan yan eh. We can't blame him though.

"Huy!" tawag sa kanya ni Chris habang kumakaway kaway ito sa harap niya ngunit parang walang narinig o nakita si Zafier sa lalim ng iniisip. He just had a blank emotionless face.

"Earth to Zafier Aaron Chua!" sabi naman ni Brylle pero walang effect.

"May sunog!" sigaw ni Shev pero wala pa rin. Tibay neto.

"May lindol! May tsunami! May landslide!" sunod-sunod na sigaw ni Chris kaya natawa kami dahil parang wala lang kay Zafier.

Napangisi ako sa naisip ko.

"Si Sky!" sigaw ko naman at agad siyang napatingin sakin.

"Where?" mabilis at nag-aalala niyang tanong. Bullseye.

"Confirmed" naiiling na sabi ni Brylle. I sighed. Sky kelan ka ba magigising? Patagal nang patagal na wala ka ay unti-unti nanamang bumabalik sa dati si Zafier.

Sinamaan ako ng tingin ni Zafier kaya nag peace sign lang ako. Naiiling na tumayo si Zafier at kinuha ang leather jacket niya at sinuot ito.

"I'll go ahead" maigsi at malamig niyang sabi. Hindi na kami kumontra pero nagsalita si Shev.

"Don't do something stupid Zach" seryosong sabi ni Shev at tinignan lamang siya ni Zafier. I didn't exactly understand what he meant.

"Tsk" tanging sabi niya at umalis na.

"Lakas talaga ng epekto ni Sky sa kanya" sabi ni Brylle.

"Nami-miss ko na si Sky!" naka-pout kong sabi at bumuntong hininga. I really do miss her, di ako sanay na walang Sky na bumabara o tinatarayan kami o yung laging nasasangkot sa gulo.

"We all do. Dalawang linggo na ang nakalipas simula nung ma-coma siya. It's really different without her" sabi naman ni Shev at nakita ko pagkahinayang sa mga mata niya. We were all sorry for what happened to Sky. Hindi man namin kasalanan yon ay malaki pa rin ang epekto samin, lalong lalo na dun sa isa.

I know Shev already forgot his feelings about Sky. Kahit sabihin niyong mababaw o saglitan na feelings lang yon. Shev still cares for Sky. We all do.

"Lalo na kay Zafier. Dalawang linggo na ring di kumakain at natutulog nang maayos yan. Laging lutang at wala sa sarili. May balak ata samahan si Sky sa hospital" sabi ni Chris. Looks like they noticed it as well.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now