Chapter 24: Worried

2.4K 90 9
                                    

Shev's POV

Halos lahat kami nalagutan nang hininga habang pinapanood ang paghandusay ng isang katawan matapos ang pagputok ng baril. Parang biglang nawala ang ingay sa paligid, it was just an eerie defeaning silence as we all watched in horror of how the blood gushes out of the body.

Kung hindi ko pa narinig ang sunod-sunod na pagputok ng baril mula sa kabi-kabilang panig ay hindi pa ako matatauhan.

"Sky!" sigaw ko at tumakbo palapit sa kanila.

Nakita ko si Chris na kinasa ang baril niya at binaril ang leader ng Scourge pero nakailag ito at sa braso lamang tinamaan.

Prinotektahan agad siya ng mga members niya at inalalayan paalis ngunit nakita ko ang emosyon sa mga mata niya. Parang hindi siya makapaniwala sa ginawa niya.

Mukhang si Zafier ang balak niyang barilin ngunit napansin yon ni Sky at agad niyang hinarangan si Zafier upang di siya matamaan ng bala. She took a bullet for him without thinking twice.

Pagkalapit ko sa kanila nakita kong yakap-yakap ni Zafier si Sky na duguan. Malala yung tama niya at andami nang nawalang dugo. She's barely breathing.

"Arkhi! Damn it! Why the fuck did you have to do that?!" sabi ni Zafier while his voice was breaking. His eyes were getting watery. Gone was his usual cold expression. Tuluyang naglaho ang tapang niya nang makitang duguan si Sky.

Ngayon ko lang siya nakitang umiyak. He has been my best friend ever since, and I can definitely say that his tears are golden.

"Let's take her to the hospital! Sasabog na 'tong lugar na to! Let's go!" sabi ko at hinila ko na siya na buhat-buhat si Sky. Tumakbo na kami papaunta sa sasakyan namin pero napalingon ako nang tumigil siya.

"Take care of her! May tatapusin lang ako! Go!" sabi niya at binigay sa akin si Sky na nakahawak sa natamaan sa kanya at punong-puno na siya ng dugo. Tinulak na ako ni Zafier paalis.

"Gago san ka pupunta?! Sasabog na 'to!" inis kong sigaw sa kanya pero malayo na siya at tumakbo siya pabalik sa HQ ng Scourge.

"Damn it! Kahit kelan talaga Zach!" inis kong sabi. Ang tigas talaga ng ulo non!

Mas importante mailigtas si Sky ngayon. We're running out of time! Tumakbo na ulit ako at nakita ko na sina Ashton, Brylle, Chris at sina Emma at Semira na nakaabang sa amin.

"Oh my god Sky!" nag-aalalang sabi ni Semira.

"Hang on Sky! Tangina dalian niyo!" sabi ni Ashton na natataranta sa pagbukas ng pintuan ng sasakyan.

"Drive!" sigaw ko kay Brylle at pinaharurot na ang sasakyan.

"Teka! Nasan si Zafier?!" sabi ni Chris nang mapansing umalis kami ng wala si Zafier. 

"Bumalik. Malamang di pa tapos gumanti yon. Barilin ba naman si Sky" naiiling kong sabi. Kilala niyo naman yon.

"What?! In exactly 40 seconds sasabog na yung HQ nila!" natatarantang sabi ni Emma.

"Kilala ko si Zafier. He'll make it. Matalino yon" seryoso kong sabi kaya napatango na lamang sila. Malayo layo na kami sa HQ nang marinig namin ang isang napakalakas na pagsabog. The heat wave was felt hanggang sa lugar namin at ramdam na ramdam namin ang bahagyang pag-alog ng lupa sa lakas ng pagsabog.

I know Zafier will make it. Hopefully.

Pagdating namin sa ospital ay agad nilang ginamot si Sky. Di kami makapasok sa loob mismo kaya dito lang kami sa waiting room. We were all drowning in our own morbid thoughts at halos mahirapan na kaming huminga dahil sa sobrang pag-aalala.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz