Chapter 12: Demon's slave

3.2K 88 11
                                    

Sky's POV

"Hoy! Bat may mga pasa ka sa braso?" tanong ni Shaun. Remember? My asshole of a brother?

"Design bakit ba?" sagot ko at naramdaman ko na lang na may bumatok sakin.

"Hoy! Di kita inaano diyan ah!" sabi ko at hinimas ang ulo ko. Siya batukan ko diyan eh.

Sabado ngayon kaya nakatambay lang ako sa bahay. Ang sakit ng katawan ko kahapon dahil sa rambol sa mga gangsters na yon. Ako naman yung nanalo so wag kayong mag-alala. Isang pasa lang nakuha ko. Di ko kasi napansin na may dalang kahoy na yung isa. Like what the hell dre.

Kapag mano-mano na away, mano-mano lang. Walang dalahan ng kahoy.

"Nakipagrambol ka nanaman?" buntong hininga ni Shaun na parang nag-aalala. Kilala talaga ako neto.

"I'm fine dre" sabi ko at tinapik ko balikat niya.

"Sky. I'm serious. Stop getting into fights. Babae ka pa rin. Ang pangit tignan at baka kung anong mangyari sayo" nag-aalala niyang sabi at nilagyan ng yelo yung pasa ko.

Napangiti naman ako. Kahit ganyan ang trato namin sa isa't isa eh protective pa rin yan.

"Asus. Sabihin mo bubugbugin ka ni papa kapag napahamak ako" nanunukso kong sabi.

Tumawa siya nang mahina at diniinan ang compress kaya hinampas ko siya sa sakit. May pasa nga diba?! Pagaling naman na kasi hindi siya ganun kalala pero masakit pa rin! Nananadya talaga.

"Isa na rin yon. Asan nga pala sina mama at papa?" tanong ni Shaun at lumingon-lingon sa sala.

"Aba malay ko. We barely see each other" simple kong sabi. Nailing na lang si Shaun sa sinabi ko.

"Balita ko may pinaplano ang Empire University na gawing malaking experiment ah?" sabi ni Shaun. Experiment? Nanaman?

"Oh? Ano daw?" nagtataka kong tanong. Pansin ko nga rin na madalas may tao sa mga major laboratory namin sa E.U

"Matagal pa raw yon. Naghahanda lang sila just in case matuloy yung experiment. Di pa kasi approved" sabi niya. Oh okay. Natigil ang pag-usap namin ng tumunog ang phone ko.

"Shaun paabot nga" sabi ko at inabot naman niya.

"Bastos ka talagang bata ka. Di ko pa narinig na tinawag mo kong kuya ha? I'm one year older than you, you know?" hindi niya makapaniwalang sabi.

"Pasalamat ka nga Shaun lang tawag ko sayo eh. Ano gusto mo tawag ko sayo? Tanda? Budoy? Ambo? Boy-Aray!" sigaw ko ng batukan niya nanaman ako.

"Nakakadalawa ka na ah!" angal ko.

"Ewan ko sayo" naiinis niyang sabi. Asar talo.

Tumawa na lang ako at tinignan ang message. Nawala ang ngiti ko at mapasimangot nang makita ko ang message.

From: Demonyong Epal

Go to my condo right now. Kapag wala ka pa dito within 10 mins, alam mo na kung anong mangyayari. Hurry up Arkhi.

Napatingin ako sa orasan at agad napatayo. Nakakainis ah? Sa pagkakaalala ko meaning ng Arkhi ay parang boss ata? Akala ko ba boss ako? Takte bakit ako naging alipin?

"I need to go. Babalik ako mamaya. Bye budoy!" sabi ko at nagmamadaling umalis ng bahay nang makita kong babatuhin niya ako ng unan. I laughed at sumakay sa kotse ko ay pinaandar ko ito nang matulin papunta kay Zafier. Epal talaga kakautos lang kahapon ang hirap hirap pa.

I parked my car sa garage ng condo niya. Yes meron siya non. Ang taray diba.

Pumasok na ako sa condo niya since I know the code. Naabutan ko siyang prenteng nakaupo habang nanunuod ng tv.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now