Chapter 44: Operation Break up

2K 51 4
                                    

Leanne's POV

Tuwang-tuwa ako sa mga pangyayari sa mall dahil kasama ko sina Sky. Nakapag-enjoy talaga ako. Matagal na rin nung huli ako naging ganon kasaya. Ang ganda ng pagkakaibigan nila. Pinag-ipunan ko talaga yung mga gamit na binili ko sa mall. Nilibre naman ako nina Sky, Semira at Emma sa iba kaya sobrang pagpapasalamat ko. Katunayan nga ay nahihiya ako sa kanila nung una pero kalaunan naging magaang ang loob ko sa kanila kaya agad ko silang naging ka-close.

"Anak pwede bang bilan mo muna ng gamot yung ama mo? Kukulangin na kasi para bukas" pagod na sabi ni mama na kakauwi lang galing sa trabaho niya. Naaawa talaga ako. Si papa may malubhang sakit kasi tas si mama halos di na magpahinga kakatrabaho.

"Opo ma. Magpahinga ka po muna" magalang kong sabi at may iaabot sana si mama sa akin na pera pambili pero hinawakan ko ang kamay niya at sinabing itabi na lamang iyon. Alam ko naman gipit si mama ngayon eh.

"May ipon pa po ako ma. Yun na lang gagamitin ko" sabi ko at nginitian naman ako ni mama.

"Maraming salamat anak. Pasensya ka na hindi namin mabigay lahat ng gusto mo ah?" malungkot niyang sabi at napalingon kay papa na tulog na nakahiga sa kama tila hinang-hina kaya naman parang may pumiga sa puso ko nang makita ko siyang malungkot.

"Sapat na kung anong meron ako ma. Wag kang malungkot" sabi ko na parang inaaliw siya kaya naman natawa siya.

"Bait talaga ng anak ko. Sige na. Magpapahinga na ako. Nakakain naman na kayo diba anak?" nag-aalala niyang tanong kaya tumango-tango naman ako habang nakangiti.

"Sige po. Good night" nakangiti kong sabi at hinalikan ako ni mama sa ulo at umalis na ako para bumili ng gamot.

Pagkatapos kong bumili sa pharmacy ng gamot ay maglalakad na sana ako pabalik ngunit bigla akong namutla nang may mga humarang sa daan ko.

"V-veronica" kinakabahan kong sabi.

Masama ang tingin nila sa akin na parang may ginawa akong karumal dumal na kasalanan.

"So, akala mo di ko malalaman na sumama ka kina Sky?" mataray na tanong niya sa akin kaya mas lalo akong kinabahan. Paano niya nalaman?

"Bitch I saw you yesterday kasama mo sina Sky! Nilalandi mo pa si Brylle!" sigaw sa akin ni Gwen at nagulat ako nang sampalin niya ako nang biglaan.

"Traydor ka talaga! I knew it!" sigaw ni Janine at hinila ang buhok ko kaya napahawak ako sa ulo ko sa sakit.

"Two faced bitch!" sigaw pa niya at pinagkakalmot nila ako. Sinampal, at dahil sa pagkalmot at hila nila sa akin ay napunit ang shirt ko pero hindi sila natinag. Mahapdi ang bawat kalmot nila.

"Tama na!" pagmamakaawa ko at pilit tinatakpan ang sarili ko.

Sinipa ako ni Veronica kaya napahiga ako habang hawak-hawak ang sikmura ko. Sobrang sakit! Parang biglang naputol yung paghinga ko. I groaned out of pain at napaubo ako ng dugo. Unti-unti na akong nahihilo at hindi ako makatayo. Masama ata ang pagkabagsak ko.

"Wag ka nang tatapak sa EU. Tatanggalin ko na scholarship mo. Traitor." seryosong sabi ni Veronica at sasampalin niya sana ulit ako kaya napapikit ako pero wala akong naramdaman na dumapo sa pisngi ko.
"Subukan mo" nakakapangtindig balahibo na sabi ng isang lalaki kaya napadilat ako at nagulat ako nang makita ko si Brylle na hawak-hawak ang pulso ni Veronica na pinipigilan ang pagsampal sa akin

"B-Brylle" kinakabahan na sabi ni Gwen

"Let go of me! Ano ba?!" sigaw ni Veronica at pilit pumipiglas kay Brylle na mukhang galit na galit dahil sa ginawa nila sa akin. Nagdidilim na ang aking paningin at nahihirapan akong huminga at dumilat. Hindi ko na kinaya dahil bigla na lamang akong nag-black out.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon