Chapter 6: Amusement Park

3.7K 124 5
                                    

Sky's POV

"Stop laughing!" inis na sabi ni Zafier habang ang itsura naman ni Zafrina ay parang naguguluhan.

"Ako? Magiging girlfriend nito? Pfft. dre mas siga pa ata ako sayo eh! Hahaha!" tawa ko at napahawak sa tagiliran ko na sumasakit kakatawa.

"Shut up" naiinis niyang sabi kaya pinipigilan ko na ang pagtawa ko. I inhaled para mahimasmasan naman ako.

Okay. Hindi na ko tatawa. Inhale. Exhale.

"Okay ka na?" bored na tanong ni Zafier at muli akong napahalagpak ng tawa. Nakita ko siyang umirap at napailing.

"Is it that hard to believe na hindi kita pwedeng maging girlfriend?" naiinis niyang sabi. Medyo natigilan ako and something inside me ay nagwawala. What the hell was that?

"Okay fine. I'll stop" sabi ko.

"Kuya! Let's go to the amusement park! Please!" pagpilit ni Zafrina habang hinihila ang laylayan ng shirt ni Zafier.

"Amusement park?" paninigurado ni Zafier. Tumayo na ako kahit ang lagkit lagkit ko na.

"Dre una na ko" pagpapaalam ko at paalis na sana pero humarang si Zafrina.

"No ate Sky! Sasama ka samin sa amusement park!" sabi ni Zafrina.

What? Demanding much.

"Ayoko Zafrina, may gagawin pa kasi ako" sweet kong sabi. Pero wala naman talaga akong gagawin. Sadyang tinatamad lang ako at baka mabwisit pa ako kase si Zafier ang kasama ko.

"Eh ate naman eh. Please! Iiyak ako" childish na sabi ni Zafrina.

"Pagbigyan mo na si Zafrina, Arkhi" nakangising sabi ni Zafier. Yan nanaman siya sa arkhi niya.

"Pagbigyan?! Eh first time ko nga lang siya makilala at ang boring kaya dun" sabay irap ko sa kanya.

"Please ate Sky?" sabi ni Zafrina habang nag-puppy eyes. Di bagay sa kanya.

"Sige na nga. Di bagay sa'yo!" sabay dila ko sa kanya

Inirapan nalang ako ni Zafrina at dumila rin sakin. Mukhang makakasundo ko talaga ang batang to.

"Pero ano susuotin ko aber?" pagtataray ko nang maalala kong wala akong pamalit sa malagkit na damit na to.

"Basta maligo ka na. Ako na bahala" sabi ni Zafier kaya napatango na lang ako at pumunta na sa banyo. Bahala sila.

***

"Yes! Ang saya! Isa pa! Isa pa!" Masiglang sabi ni Zafrina habang tumatalon-talon pa sa tuwa

Napahawak ako sa railings na katabi ko. God. Ayoko na. Yung kaluluwa ko.

"Mag-isa mo! Hindi ko na kaya dre" nanghihina kong sabi at hinigpitan ang pagkakapit ko sa railing. Shit! Naiwan ata kaluluwa ko dun sa roller coaster.

"Sige na please!" pagpilit niya.

Umiling ako ng sunod-sunod. No. Never. Kanina pa kami sakay nang sakay ng rides at lintik na batang 'to yung gusto pa yung mga extreme na rides. Bata ba talaga 'to?! Ang lakas ng loob eh.

Narinig kong tumawa sa tabi ko si Zafier.

"The great Sky who isn't afraid of fighting with gangs is scared because of a rollercoaster? Wow." tawa ni Zafier habang umiiling-iling pa.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now