Chapter 11: Punishment

3.1K 93 6
                                    

Sky's POV

Pagkapasok ko kinabukasan sa school ay kakaiba, habang dumadaan lang ako nakakarinig ako ng mga bulungan nila

"Hala naka-strike 4 daw si Sky"

"Siya ang kauna-unahang umabot sa last strike"

"Ano kayang nagawa ni Sky?"

"Kawawa naman"

It's about that strike 4 again!

Ano ba kasing nagawa ko?! I also heard na naka-strike 2 naman sina Veronica. Hindi sila pumasok, siguro iniiwasan para di sila ma-bully. They'll go to school soon at some point.

"Hoy Sky!" napalingon ako sa tumawag ng pangalan ko and I saw Shev running towards me.

"O dre. May problema ba?" tanong ko.

"Hehe wala naman" natatawa niyang sabi kaya napairap ako.

Pinuntahan na namin sina Emma at Semira. We have the same class. May pop quiz kami kaya nagsi-angal na ang mga students. Duh. Di uso sa klase namin ang salitang review. And mind you, kapag daw na perfect namin itong long pop quiz namin eh may additional 50 points sa grade namin. Katumbas na ng 50 points ang dalawang bagsak na exam o isang major project. It's a huge help.

"Uy pakopya" bulong ni Semira kay Emma.

"Patay. Kokopya lang din dapat ako sayo eh" angal naman ni Emma kaya napasapo sila sa kanilang noo pero natigilan sila at nagkatinginan. Sabay silang ngumisi nang nakakaloko bago lumingon sa akin at tinaas baba pa ang mga kilay nila.

Agad kong nakuha ang kanilang gustong iparating.

"Fine" tamad kong sabi.

Dati kasi tuwing may pop quiz, exams or whatever ay ginagamit ko ang aking "techniques"

Sa buhay minsan kailangan mo talaga maging madaya, hindi lahat ng bagay lagi mong makukuha ng mano-mano o sariling sikap, sometimes you have to cheat. So this is Sky's Life Hacks 101: Make excuses and have connections.

I raised my hand kaya napatingin sakin si prof

"Yes miss Sky?" tanong niya

"Uhm the principal is looking for you professor. He wants you to be there asap" magalang kong sabi.

Nagtinginan ang mga kalase ko sakin at sa isa't isa. Nakangisi na sila at this point. Kilala na talaga nila ako pagdating sa mga ganitong bagay.

"Is that so? Okay then. Class don't come near my desk and stay on your seats while I'm gone. Class president ikaw na bahala" sabi niya at umalis na. Nagkangisian lang kami nung class president. Kung may kurap sa gobyerno, may kurap din samin.

Agad kong nilabas ang phone ko and dialed a number. Kaibigan ko ito, taga-ibang level. Yung principal kasi namin nasa kabilang building so matatagalan si prof.

"Bakit Sky?" tanong niya using a hush tone dahil malamang ay nasa klase rin ito.

"Dre abangan mo si Prof Mendoza dyan sa hallway niyo tapos lumabas ka sabihin mo pinapa-cancel na nung principal yung meeting nila" pag inform ko. Tumawa siya dahil alam niya na na may kagaguhan nanaman ako.

I Melted the Demon's Heart [COMPLETED]Where stories live. Discover now