[EPILOGUE]

23.6K 546 142
                                    

[BASAHIN ANG AUTHOR'S NOTE AND PS SA BABA :D]

[POSTED NA PO ANG THE GAY WHO FELL IN LOVE WITH A LIAR]

(CHESTER'S POV)

Bata pa lang ako, alam ko na sa puso't diwa ko na isa akong sirena. Minsan pa nga'y pakiramdam ko, isa akong nawawalang diwata dahil sa sobrang ganda ko. Wala akong ibang hinangad kundi ang maikasal sa isang lalaki na kahit kahawig man lang ni Song Joong Ki o ni Park Hyung Sik. Iniimagine ko pa nga noon na naglalakad ako sa mismong araw ng kasal ko na ang suot-suot ko ay isang mahabang gown. Singhaba ng nakakalokang traffic sa EDSA. Charr.

Pero sa hindi inaasahang pagkakataon, nagkrus ang landas namin ng pranella kong asawa na ngayon ay abala sa pamimili. Nasa isa kaming grocery store ngayon sa isa sa mga branch ng mall na pagmamay-ari ng kuya niya. Seryoso siya sa ginagawa niyang pamimili. Nalimutan na niya atang may kasama siya. Panay lang ang lagay niya ng mga produkto sa cart habang ako naman ang nagtutulak. O diba? Katulong lang ang peg ng lola niyo Chester. Hayy. Pinagmasdan ko lamang siya sa ginagawa niya. Ipinatong ko ang siko ko sa hawakan ng cart at ang ulo ko naman sa kamay ko.

Kahit na seryoso yang si Aliyah, mahal na mahal ko pa rin yan. Hindi man siya ang pinapangarap kong pakasalanan noon, siya naman ang mundo ko ngayon. Kaya kong tiisin ang kabaliwan niya basta't makasama lang siya. Kahit paulit-ulit niya akong halayin sa gabi o paulit-ulit man nya akong bosohan, ayos lang. Ang mahalaga ay kapiling ko siya lalo na ngayon at malapit na akong maging isang ganap na ina este ama pala. HAHAHAHA. Kabuwanan na kasi ng ate niyo Aliyah at eym so eksoyted na to meet my daughtuh! Siguradong dyosa rin ang anak ko. Hahahaha.

Naputol ang pagmumuni-muni ko nang lingunin ni Aliyah ang isang salesman at mas nagulat pa ako ng ituro niya ito at pinagtaasan ng kilay.

"Hoy ikaw lalaki! Anong tinitingin-tingin mo sa asawa ko?!" sigaw niya dun sa lalaki na halata namang ikinagulat nito.

Lumapit ako kay Aliyah at hinawakan siya sa balikat.

"Anong nangyayari?" naguguluhan kong tanong.

Imbes na sagutin ay inalis niya lang ang kamay ko sa balikat niya at titig na titig pa rin siya dun sa lalaki.

"Kanina pa kita nahuhuling nakatingin sa asawa ko. Kung nasaan kami, nandun ka din tapos palihim kang ngumingiti. Baliw ka ba? Pinagnanasaan mo ba ang asawa ko?"

Awtomatiko akong napatakip sa bibig ko. Oh my gulay na pink! May stalker akes. Eng gende ke telege!

"M-Ma'am. H-Hindi ko po alam ang sinasabi mo?"

Napa-roll eyes si Aliyah dahil sa sinabi nung lalaki pagkatapos ay pumamewang siya.

"Hoy ikaw totoy! Buntis lang ako pero hindi ako bulag!"

Luh! Anong connect nun? Shunga din talaga 'tong asawa ko eh.

"Alam kong gwapo 'tong asawa ko. Alam kong kaakit-akit talaga yang itsura ng baklang yan. Wala pa ngang ginagawa yan, kinikilig na ako agad. Malakas talaga ang dating niyan." Sabi ni Aliyah sabay palo pa sa puwet ko.

Kaloka ha. Kailangan pang mamalo.

"Pero excuse me lang totoy. Taken na 'tong baklang pinagnanasaan mo at kung inaakala mong maaakit mo siya sa pagngiti-ngiti mo, nakng, magtoothbrush ka muna oy! Naninilaw ngipin mo eh! At tsaka nakikita mo ba 'to ha?" saad ni Aliyah sabay turo sa malaki niyang tiyan.

"Anak naming dalawa 'to. Bunga 'to nang pag---"

Agad kong tinakpan ang bibig ni Aliyah upang pigilan siya sa sinasabi niya. Baka kasi kung ano na ang masabi niya.

The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now