[1]

45.7K 884 222
                                    

(3RD PERSON'S POV)

Alas nuwebe pasado na ng gabi at busy'ng busy ang mahigit sa singkwentang trabahador ng Ootori's Pastries dahil naghahanda na sila sa pag-uwi. Ang iba ay nagkukwentuhan habang nag-aayos ng mga gamit ang iba naman ay tahimik lang kabilang na doon si Chester na iniisip kung kamusta na ang nanay niyang inaatake na naman ng asthma at ang dalawa niyang kapatid na paniguradong pagod na naman galing paaralan.

Nasa ganoon silang ayos nang pumasok ang isa nilang kasamahan sa loob ng locker room nila na tila hinabol ng sampung aso dahil hingal na hingal.

"Problema ng chararat na ites?" tanong ni Chester sa isip niya.

"Guys, nasa labas si Sir Kyouya. Bilisan nyo daw. May importante daw siyang sasabihin sa atin." Tuloy-tuloy na pahayag ng kasamahan nila.

Nagkatinginan sila nina Bonnie at Dolly, mga kaibigan niyang bakla.

"Yieeeh. Eksoyted na aketchi mga ateng! Ang pogi pa namanni Sir Kyouya. Hihihihi!" tila kinikiliting pahayag ni Dolly na may kasama pang kiliti kay Chester.

"Ano kayang sasabihin niya no, CC?" tanong naman ni Bonnie kay Chester. CC ang tawag nito sa kanya in short for Christian Chester.

"I dunno mga beks. Pero kahit ano pang sabihin niya sa atin, tiyak na kumpleto ang gabi ko ngayon dahil makakakita ako ng pogiiiii!" Maharot na sabi ni Chester kela Bonnie at Dolly at sabay-sabay pa silang nagtatatatalon.

Pagkatapos nilang mag-ayos ng mga gamit, lumabas na silang lahat sa locker room at humilera silang mahigit na singkwentang trabahador sa harapan ni Kyouya Ootori, pangatlong anak ng may-ari ng Ootori's Pastries at isang hapon na sobrang gwapo sa paningin ni Chester.

"Good evening everyone." Magalang na pagbati nito sa mga trabahador.

"Good evening din po." Masiglang tugon naman nila na pinangungunahan ng tatlong bakla.

Inayos muna ni Kyouya ang salamin niya bago muling nagsalita.

"I don't want to ruin your night but..." saad nito pagkatapos ay may iniangat itong isang sobre na naging dahilan para kumunot ang mga noo ng mga trabahador niya.

"This is a termination letter."

Napasinghap ang mga nandoon dahil sa narinig. Nagtataka sila kung bakit may dala-dalang termination letter ang anak ng amo nila.

"As we all know, our pastry shop is experiencing difficulties for the past three years. Also, 3 months ago, my father had to downsize his employees because we can't afford to pay your salaries and now, I'm sorry to tell you, but he finally decided to shut down this shop before we face more serious losses. "

Kumabog ang dibdib ni Chester dahil sa narinig. Unti-unti na ring namuo ang luha sa mga mata niya. Hindi siya pwedeng mawalan ng trabaho. Ito lamang ang inaasahan ng pamilya niya lalo na ngayon at nasa kolehiyo na ang kambal niyang kapatid. Hindi sapat ang kinikita ng nanay niya sa paglalabada kaya siya lang talaga ang pag-asa ng mga kapatid niya.

"We, the Ootori Family, are truly grateful to have you as our employees. Without your hard works, our pastry will never make a name in the industry. But due to circumstances, we will not able to continue to work together."

"Hindi pwede..." sabi ni Chester sa kanyang isip.

"Our last operational day is tomorrow. Hope you'll find a better job. Once again, we're really really sorry."

Pagkatapos ng tagpong iyon, bagsak ang balikat na lumabas si Chester sa Ootori's Pastries. Hindi na siya sumabay kaila Bonnie at Dolly pauwi. Gusto niyang maglakad-lakad muna at magpahangin. Hindi niya kasi alam kung paano niya sasabihin sa nanay at mga kapatid niya na wala na siyang trabaho. Ayaw niyang mamroblema ang mga ito. Hangga't maaari, gusto niyang siya na lang ang mahirapan kesa ang pamilya niya.

The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now