[12]

15K 490 95
                                    

(ALIYAH'S POV)

Nag-uunat-unat pa ako nang lumabas ako galing sa loob ng bahay papunta sa garden namin. Napahinto ako sa pag-uunat nang makita ko si Chester na abala sa pagpuputol ng mga sanga at paggugupit ng mga patay na halaman. Napaatras ako ng kaunti para hindi niya ako makita. Pinagmasdan ko lamang siya mula sa kinatatayuan ko.

Hindi ko maiwasang mapangiti dahil kahit na tagaktak ang pawis niya, ang gwapo niya pa rin. Pero agad ding nawala ang ngiti ko nang maalalang hanggang ngayon pala ay hindi pa rin kami nagpapansinan. Gustong-gusto ko na siyang kausapin pero hindi ko alam kung paano.

"Naku ma'am! Titig na titig ka na naman kay sir!"

Nagulat ako sa biglaang pagsulpot ni Maine sa gilid ko na may hawak-hawak na isang basong malamig na tubig.

"Oo na. Nakatitig na ako!" kunwari'y naiinis kong sabi sa kanya.

"Ay taray! Hindi ka na nag-deny ma'am!"

"Hindi ka naman kasi maniniwala kapag nag-deny ako!"

"Syempre naman! Halata kayang titig na titig ka kay sir! Naku ma'am! Kung ano man ang problema niyo ni sir, magbati na po kayo. Mahirap po kapag lumaki pa po ang problema nyo." Payo sa akin ni Maine.

Napatango naman ako bilang sagot at nginitian pa siya.

"Osya sige! Bye na. Iaabot ko na 'to kay sir. Kanina pa daw siya nauuhaw eh." Wika nya at akmang aalis na pero napigilan ko siya.

"Wait! Ako na ang mag-aabot!"

"Uy si ma'am! Kakausapin na si sir!" pang-aasar sa akin ni Maine na may kasamang pagsundot pa sa tagiliran ko.

"Heh! Manahimik ka nga!" ngiting-ngiti ko namang sabi pagkatapos ay nagmartsa na papalapit kay Chester.

"Ito na nga pala yung tubig na hinihingi mo." Sabi ko nang makalapit na ako sa kanya sabay abot ng isang baso ng tubig.

Nag-angat siya ng tingin sa akin kasabay nang pagsasalubong ng dalawang kilay niya.

"Bakit ikaw ang nagdala? Hindi ba't si Maine ang pinapadala ko?"

"Ah. So, ayaw mong ako ang magdala? Fine!" inis kong wika pagkatapos ay tinalikuran ko na siya.

"Sandali!" sabi niya sabay hawak sa braso ko at pinihit ako paharap sa kanya.

"H-Hindi yun ang ibig kong sabihin. Siya kasi ang inutusan ko. Nagtaka lang ako k-kung b-bakit ikaw ang nagdala." Paliwanag niya habang kung saan-saan natingin ang mga mata niya at tila iniiwasang tumingin sa akin.

Bumuntong hininga muna ako bago ko muling iniabot sa kanya ang tubig.

"Here." Sabi ko sabay abot sa kanya.

Mabilis naman din niya itong kinuha at ininom. Matapos niyang inumin ito, bumalik na siya sa kinauupuan niya kanina at nagsimula na ulit maggupit. Hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataon. Kailangang makapag-usap na kami ngayon. Kaya naman umupo din ako sa tabi niya.

"Bakit mo naman naisipang maggupit ng mga sanga at patay na dahon ngayon?"

Yeah. Alam kong muntanga ang tanong ko pero wala na kasi akong maisip na maganda-gandang itanong sa kanya para masimulan ang pag-uusap namin.

"Ikaw? Bakit ka nandito? Mainit dito. Pumasok ka na sa loob."

Ipinatong ko ang mga siko ko sa tuhod ko pagkatapos ang mukha ko naman ay sa mga kamay ko.

The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now