[5]

17.2K 617 160
                                    


(3RD PERSON'S POV)

"Bes, sure ka na isasama mo talaga ako sa birthday ng amigo ng lolo mo? Wag na lang kaya akes gumorabels doon? Nakakaloka kasi! Puro rich kids yung nadun for sure. Kahiya!" saad ni Chester habang nakapamewang sa nakatalikod na si Aliyah.

Humarap si Aliyah kay Chester at tinaasan ito ng kilay.

"Sasama ka and that's final. Marami talagang mayayaman doon dahil birthday lang naman yun ng isa sa mga kilalang business tycoon dito sa bansa pero don't worry. Kasama mo naman ako kaya walang mangyayaring masama sa'yo." Sabi naman ni Aliyah sabay kindat kay Chester at muli ng tumalikod para maglagay ng hikaw.

"Kahit na! Hindi kaya ako sanay sa mga ganung uri ng party party! Hanggang kids party lang kaya ako bes!"

Tila batang umupo si Chester sa kama ni Aliyah habang nakatingin sa gusot-gusot niyang necktie dahil hindi siya marunong mag-ayos nito.

"Tingnan mo. Pati nga necktie hindi ako marunong maglagay." Nakangusong sabi ni Chester.

Napatingin naman si Aliyah kay Chester na nakanguso na parang pato habang hinahatak-hatak ang necktie nito na nagkabuhol-buhol na. Lumapit siya dito at bahagyang yumuko para maabot niya ang necktie nito at siya na ang nag-ayos nito.

Nagulat naman si Chester sa biglaang paglapit ni Aliyah. Sobrang lapit ng mukha nito sa kanya. Dahil abala ito sa pag-aayos ng necktie niya, malaya siyang pagmasdan ang mukha nito. Noong unang beses niyang makita 'to, aminado siyang nachakahan siya sa mukha nito pero ngayong natuto na ulit 'tong mag-ayos, lumabas ang tinatagong kagandahan nito.

Bigla niyang naalala yung ginawa niyang paghalik dito noong isang gabi. Hindi niya rin alam kung bakit niya ito hinalikan pero hindi siya nagsisisi sa ginawa niya. Napadako ang tingin niya sa mga labi ni Aliyah at napalunok siya dahil may kung anong nag-uudyok sa kanya na tikman muli ang labi nito.

Pero bago man niya magawa yun, nag-angat na ng tingin si Aliyah at tinaasan siya ng kilay.

"Pupunta ka ng party hindi dahil sa kanila kundi dahil sa akin dahil asawa mo ako at yun ang alam nila." Seryosong sabi ni Aliyah pagkatapos ay muli ng bumalik sa harapan ng salamin.

---

"Emergerd! Bigalu ng balay china nila!" manghang-manghang sabi ni Chester habang naglalakad papasok sa loob ng mansion ni Mr. Ji Chang-wook, isang koreanong pinalad magkaroon ng successful na negosyo dito sa Pilipinas at ngayon ay isa ng kilalang business tycoon.

Umangkla si Aliyah sa mga braso ni Chester at taas noo siyang pumasok sa loob ng mansion. Pagkapasok na pagkapasok pa lang nila ay inulan na ng bati si Aliyah mula sa mga kakilala niya.

"Good evening Aliyah!" bati ng isang babaeng may katangkaran at napakaganda ng korte ng katawan. Pwedeng-pwede na itong isali sa Miss Universe dahil sa pagiging Dyosa.

"Good evening Pia!" bati naman ni Aliyah dun sa babae na ngiting-ngiti at nakipagbeso pa dito.

Umalis din naman si Pia pagkatapos ng batian nila ni Aliyah samantala hinanap naman nila Aliyah ang table na nakalaan para sa kanila. Madali lamang nila itong nahanap dahil inassist sila ng isang waiter.

Malayo pa lang ay tanaw na tanaw na ni Aliyah ang lolo niya at ang dalawa niyang kapatid na tahimik na kumakain. Tahimik silang lumapit at tahimik din silang umupo.

"Oh my God! Dumating ka na Aliyah!" masiglang bati ni Kamea sa kapatid sabay yakap.

"Nandito na pala ang suwail kong apo kaya pala nawalan ako ng ganang kumain." Mapang-asar na wika ng lolo niya.

The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now