[21]

14K 470 76
                                    

(3RD PERSON'S POV)

"Sino pa bang hinihintay natin bruha?" tanong ni Chester kay Annie habang pinapaypayan ang sarili.

Nasa labas silang dalawa ng van. Habang sila Stella at yung dalawang bakla niyang kaibigan ay nasa loob na. May mga kasama pa silang iba at puro ito mga beki. Mga tropa nila ito nina Dolly at Bonnie.

"Malapit na daw siya. Sandali lang." saad ni Annie habang may tinatanaw.

"Hoy Girlie Rodis! Sino pa bang hinihintay natin? 48 years na natin siyang hinihintay. Kaloka!" angal muli ni Chester.

"Umayos ka ngang bakla ka! Paparating na yun. Ay wait! Ayan na pala siya!" sabi ni Annie at tinuro ang paparating na si Aliyah.

Awtomatikong napalingon sa likuran niya si Chester at napakunot ang noo niya nang makita si Aliyah. Pawis na pawis ito na tila sumali sa isang marathon. Tumutulo pa ang pawis nito mula ulo niya hanggang leeg niya na dumadaloy pa hanggang sa kaloob-looban ng damit niya.

"Omo! Why so pretty Aliyah?" saad ni Annie at sinalubong ito ng yakap.

Nang makalapit ito sa kinatatayuan nila ni Annie, doon lamang niya napansin ang suot nito. Nakasuot ito ng puting sleeveless crop top with lace overlay na pantaas at black na scalloped hem shorts sa baba. Nakasuot din ito ng summer hat at gladiator flats. Literal na napataas ang kilay ni Chester dahil sa nakitang suot ni Aliyah.

"Tara na! Pumasok na tayo sa van. Kanina pa tayo hinihintay ng mga beks!" wika ni Annie at kumapit ito sa braso ni Aliyah.

"At kelan pa sila naging close?" tanong ni Chester sa isip niya.

Papasok na rin sana si Annie sa loob ng van kaso hinatak siya ni Chester at sinimangutan.

"Bakit mo sinama yan?" gigil na wika ni Chester.

"Sus. Kunwari ka pa!" pabirong sabi naman ni Annie at kinurot pa ang tiyan ni Chester.

Pagkatapos sabihin yun ni Annie ay pumasok na ito sa loob. Pumwesto ito sa kabilang gilid ni Aliyah at nginitian pa si Chester at tila nang-aasar pa. Walang nagawa si Chester kundi ang pumasok na sa loob at umupo sa kabilang gilid din ni Aliyah dahil ito na lamang ang bakanteng upuan. Bale nasa gitna nila ni Annie si Aliyah.

Buong byaheng hindi nagalaw si Chester. Tila isa siyang tuod na nakatingin lamang sa bintana. Samantala, si Aliyah ay pasimpleng sumusulyap-sulyap kay Chester habang nakikipagtawanan kay Annie. Kahit hindi naman nakakatawa ang kwento ni Annie, tumatawa pa rin siya para kunwari ay naeenjoy niya ang byahe. Dahil katabi ng driver ang upuan ni Stella, nakikita niya rin itong tumitingin sa kanya at kay Chester sa rear-view mirror.

"Mainggit ka bruha. Magkatabi kami ngayon ni Chester!" sabi ni Aliyah sa isip niya.

Nagulat silang lahat ng biglang pumreno ang nagmamaneho ng sasakyan. Dahil dito, napalakas ang pagkakauntog ng ulo ni Aliyah sa sinasandalan niya dahilan para mapahiyaw siya. Napatingin sa kanya si Chester at imbes na sa mukha ni Aliyah ang tingin niya, napadako ang tingin niya malapit sa dibdib nito. Dahil round neck ang suot ni Aliyah, kita ang cleavage nito. Agad na nag-init ang ulo ni Chester at napaiwas siya ng tingin.

"Ayos ka lang?" tanong ni Annie kay Aliyah.

"Yeah." Pabulong na sabi ni Aliyah.

"Beks! Bakit ka pumreno?" tanong ni Annie sa kaibigang baklang nagmamaneho.

"May bigla-bigla kasing dumaan bruha. Kaloka!"

"Ah sige. Ituloy mo na ang pagmamaneho." Sagot naman ni Annie at muling ibinalik ang atensyon kay Aliyah.

The Boss and Her Beki HusbandWo Geschichten leben. Entdecke jetzt