[2]

21K 714 235
                                    

(3RD PERSON'S POV)

"Sigurado ka na ba talaga sa desisyon mong yan?" nag-aalalang tanong ni Kamea kay Aliyah.

"Yeah."

"Paano kung tuluyan kang itakwil ni lolo?"

"I know he can't do that." Malamig na wika ni Aliyah sa kapatid niya.

"Okay. Basta kung ano mang magiging resulta ng pag-uusap nyo ngayon ni lolo, ikwento mo agad sa amin ni Kuya Liam."

"Yes."

Pagkatapos ng pag-uusap na iyon ay tinapos na ni Aliyah ang tawag at tumingin sya sa labas ng restaurant na kinaroroonan nya ngayon. Pinagmasdan niya ang mga taong nagdaraan mula sa labas kasabay ng unti-unting pagbalik ng mga nangyari noong nakaraang linggo.

[ F L A S H B A C K ]

"Bakit nyo po ako pinatawag?" takhang tanong ni Aliyah sa lolo niya na kumakain ng hapunan.

Tinapunan siya nito ng isang masamang tingin pagkatapos ay pinunasan muna nito ang bibig gamit ang table napkin bago inilatag sa lamesa ang dalawang litrato.

"They are the twins of Hitachiin Group. Ang isa ay si Hikaru at ang isa naman ay si Kaoru." Seryosong saad sa kanya ng lolo niya.

"A-Ano pong gagawin ko sa kanila?"

"Alam mo naman siguro ang kumakalat na balita tungkol sa pagiging tanga mo kay Mathew Sandoval?"

Napaiwas ng tingin si Aliyah dahil sa sinabi ng lolo niya. Hangga't maaari sana ay ayaw na niyang pag-usapan ang tungkol doon.

"Alam mo rin naman siguro na ayokong nachichismis ang pamilya natin dahil may reputasyon akong pinangangalagaan?"

Hindi umimik si Aliyah bagkus ay nilaro niya ang mga daliri niya habang pinipigilan ang pagkawala ng luha niya.

"Look at yourself, Aliyah. Mukha ka ng katulong dahil sa pagiging losyang mo at nagsimula kang magkaganyan noong tinakbuhan ka ng magaling mong nobyo sa mismong araw ng kasal nyo. Isang taon na ang nakararaan pero hindi mo pa rin nalilimot ang bastardong yun?!"

"P-Pero mahal ko siya---"

Hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil nakatanggap siya ng isang malutong na sampal mula sa lolo niya.

"Gumising ka na, Aliyah. Hindi na pwedeng maging kayo ni Mathew dahil may asawa na siyang iba. Don't ruin your life just because of that man!"

Muling hindi umimik si Aliyah at pinunasan na lamang niya ang mga luha sa pisngi niya.

"Whether you like it or not, papakasalan mo ang isa sa kambal ng Hitachiin Group. Ito lang ang naiisip kong paraan para mamatay na ang chismis tungkol sa'yo at malinis ang pangalan ng pamilya natin."

"P-Pero---"

"No buts, Aliyah. My decision is final. All you have to do is to choose whether it is Hikaru or Kaoru to be your husband. Kung mas pipiliin mong magpakatanga pa rin kay Mathew, you're free to leave this family. You don't deserve to be a Cadwell. Kung gusto mong gawing miserable ang buhay mo, isipin mo namang may pamilya kang nadadamay dahil diyan sa kagagahan mo!"




The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now