[8]

15.2K 426 292
                                    


(3RD PERSON'S POV)

"Ikaw na lang muna ang kumain ng lunch. Sabay na kami ni Mathew. Eat well!"

Pinaikot ni Chester ang kanyang mga mata ng 360 degrees matapos mabasa ang text message sa kanya ni Aliyah.

"Lagi naman bes." Bulong niya sa sarili.

"Lagi naman akong mag-isang nakain. Dyan ka na sa Mathew mo! Saksak mo pa yan sa ngala-ngala mo. Bruhang 'to. Kinalimutan pa ako!" dagdag niya pang wika habang may nakataas na kilay.

Tatlong linggo na ang nakakalipas simula nang muling magkamabutihang loob sina Mathew at Aliyah at halos hindi na sila mapaghiwalay dalawa. Madalas silang lumalabas samantalang naiiwan naman si Chester. Pero kahit na madalas na hindi magkita sina Chester at Aliyah, madalas pa rin namang tinetext ni Aliyah si Chester upang paalalahanan itong pumasok sa trabaho o kumain ng tanghalian o hapunan.

Pero kahit na nagkabalikan na sina Aliyah at Mathew, hindi pa rin ito alam ng mga Cadwell at Sandoval. Nanatiling sikreto ang relasyon nila. Tanging si Chester lamang ang nakakaalam tungkol sa bagay na ito.

Inis na tumayo si Chester mula sa pagkakaupo at inayos ang mga tambak na gawain na iniwan sa kanya ni Aliyah. Isa ito sa mga ikinaiinis niya. Simula nang bumalik si Mathew sa piling ni Aliyah, nakalimutan na nito ang mga gampanin nito bilang President ng Cadwell Pastry Corporation. Wala na kasi itong ibang inatupag kundi ang sumama-sama kay Mathew at magpakasaya.

Dahil nawala na siya sa mood na kumain ng tanghalian, naisipan niyang pumunta na lamang sa pinakamalapit na Starbucks para magpalamig ng ulo. Pagkadating niya doon ay umorder lamang siya ng paborito niyang Dark Mocha Frappuccino at pumwesto sa pinakadulong table. Sinadya talaga nyang lumayo sa mga tao dahil mainit ang ulo niya.

Hindi pa man siya nakakatagal sa ganoong posisyon nang may napansin siyang nakatayo sa harapan niya. Nang tumingala siya, nakita nya si Stella na sobrang lawak ng ngiti habang nakatingin sa kanya. Nakapasok ang isang kamay nito sa bulsa ng suot nitong shorts tapos ang isa naman ay may hawak na kape.

"Mukhang pinagtatagpo ata talaga tayo ng tadhana." Nakangising wika nito at inokupa ang kaharap na upuan ni Chester.

"Anong ginagawa mo dito?" naguguluhan namang tanong ni Chester.

"Well, kung inaakala mong sinusundan kita o stalker mo ako, pwes nagkakamali ka. Actually, kanina pa ako nandito dahil mineet ko ang isa sa mga kaibigan ko dito. Paalis na sana ako kaso nakita kitang pumasok kaya naisipan kong umorder ulit ng coffee at samahan ka." Saad nito sabay kindat.

Napailing na lamang siya pagkatapos ay humigop muna siya sa kanyang hawak na Frappuccino bago kinausap ang nakangiting babae sa harap niya.

"Bakit ba kapag nagkikita tayo, lagi mo na lang sinasabi na hindi kita stalker? Masyado kang defensive bes."

Napataas ang kilay ni Stella pagkatapos ay pinagkrus niya ang mga braso niya sa may dibdib niya.

"Mahirap na. Baka pagkamalan mo akong stalker mo. Kahit naman may gusto ako sa isang tao, hindi ko uubusin ang oras ko sa pagbuntot-buntot sa kanila. I have my own ways para makuha ang mga gusto ko. Ang hirap kayang masabihan ng stalker!"

Natawa naman si Chester dahil sa sinabi ni Stella. Bakas sa mukha nito ang inis sa kanya.

"Chill ka lang girl. Para binibiro lang. Hahahaha!"

Agad namang napalitan ng ngiti ang kaninang masungit na mukha ni Stella dahilan para mapakunot ang noo ni Chester.

"Ang bilis naman atang magbago ng mood mo ateng?"

The Boss and Her Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon