[4]

17.2K 648 371
                                    

(3RD PERSON'S POV)

Nakangiting pumunta sa kusina si Chester na siya namang napansin ni Dub, ang isa sa kanilang dalawang Yaya na nakakaalam din sa tunay na status nila ni Aliyah.

"Ngiting-ngiti ka ata girl ah?" pasimpleng tanong ni Yaya Dub sa kanya habang busy sa pagda-dubsmash.

Tumingin sa kanya si Chester at nginitian lamang siya nito kasabay nang pag-alala sa mga naganap sa kanila ni Aliyah kagabi noong nakitulog sila sa bahay ng nanay niya. Hindi niya alam pero napapangiti siya kapag naaalala niyang magkayakap silang natulog ni Aliyah.

"Ikaw bes ah! May improvement na ba sa inyo ni ma'am?"

"Gaga wala!" tanggi niya.

"Sows! Ngiting-ngiti ka eh!"

"Porket nakangiti agad, si Aliyah na agad ang dahilan?"

"Well, sino ba yan? Papabol ba bes?"

"Shut up ka na nga lang dyan! Hindi kita payagang makipagdate dyan sa driver ng kapitbahay natin eh!"

"Ay sorry naman bes! So, saan punta nyo ngayon ni ma'am?"

Ininom muna ni Chester ang hawak niyang juice bago sinagot si Yaya Dub.

"Magmo-mall kami ngayon. Magsha-shopping kami!"

"Yieeeeh. Quality time!" Pang-aasar ni Yaya Dub.

"Quality time your face! Ngudngod kita dyang chararat ka!" kunwari ay naiinis niyang sabi pagkatapos ay tinalikuran na si Yaya Dub at umakyat na papunta sa kwarto ni Aliyah.

"Matagal ka pa bes?" tanong niya dito mula sa pinto.

"Wait lang. Puntahan na lang kita sa kwarto mo!" sagot naman nito.

"Okay!" saad nya at nagmartsa na papunta sa kwarto niya.

Papasok na sana siya sa kwarto niya nang mahagip ng mata niya ang isang kwarto na walang gumagamit. Sabi ni Aliyah, pasukan na daw niya lahat ng kwarto dito sa bahay, wag lang ang kwarto na yun.

Hindi niya alam pero gumapang kuryosidad sa katawan niya at natagpuan na lamang niya ang sarili na nasa tapat ng nasabing kwarto. Pinihit niya ang door knob nito at maswerte siya dahil hindi ito naka-lock.

Nagpalingon-lingon pa siya sa paligid para siguraduhing walang tao bago siya tuluyang pumasok sa loob. Nang makapasok na siya, binuksan niya ang ilaw at tumambad sa kanya ang mga gamit na nakatalukbong ng kumot na puti.

Lumapit siya dito at dahan-dahan itong tinanggal. Nakita niya ang mga picture frames na puro mukha nina Aliyah at Mathew na kinunan pa mula sa iba't ibang bansang napuntahan nila. Mukha silang masaya at halatang mahal nila ang isa't isa.

Sa tabi ng mga picture frames ay isang malaking cabinet kung saan nakalagay ang iba't ibang kulay at size ng mga teddy bears. Lumapit siya dito at kinuha ang isang teddy bear. May nakasabit dito na isang card na hugis puso. Binuksan niya ito at nabasa niya ang isang letter na mula kay Mathew.

"Happy 18th monthsary, honeypie." Basa niya rito.

Hindi niya alam kung mayayamot ba siya o hindi dahil naalala niyang tinawag siyang honeypie noon ni Aliyah.

"So, honeypie pala ang endearment nyo?" Bulong niya sa sarili niya.

May kalakihan ang kwartong pinasok niya at ang laman nito ay puro mga regalo ni Mathew kay Aliyah kapag birthday niya o kapag may okasyon. Lumapit pa siya sa isang cabinet na naglalaman naman ng mga mug. Tulad kanina, kumuha siya ng isa at binasa ang naka-imprenta dito.

The Boss and Her Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon