[6]

15.7K 561 188
                                    

(ALIYAH'S POV)

"Hello." Masayang sabi ko kay Chester na nasa kabilang linya.

"Ene ne nemen be bes?" tila naiirita namang sabi ni Chester.

"How are you there?"

"Mga ilang beses mo balak tanungin yan girl? Nakakaloka ka na ha! Kanina mo pa ako tinatawagan tapos puro 'How are you there' ang bungad mo. Naka-drugs ka ba ateng?"

Natawa ako dahil sa litanya nya. Para kasi siyang batang naiirita. Nasa ospital siya ngayon dahil sinamahan niya ang nanay niya para sa regular checkup nito. Sasama sana ako sa kanya kaso marami akong dapat asikasuhin dito sa opisina dahil medyo matagal-tagal din akong hindi nakapasok.

"I just want to check you baka kasi nambababae ka na diyan."

"Nambababae? Duh! Are you kidding me ba girl? Coz I like boys kaya!" nag-iinarteng sabi niya dahilan para mas lalong lumawak ang ngiti ko.

"Nako Chester! Subukan mo lang talagang humarot. Kukurutin ko talaga singit mo!"

"Luh! Bida-bida ka talaga ateng no? Babayu na nga bes! Tinatawag na si inang reyna nung poging doktor!"

"Okay. Pakikamusta na lang ako kela nanay at sa kambal." Malambing na sabi ko bago tinapos ang tawag.

Pinagmasdan ko ang mga nagkalat na papel sa ibabaw ng lamesa ko. Napakamot ako sa noo ko at inisip kung paano ko matatapos agad ang mga ito.

"Ugh. Too much stress." Bulong ko sa sarili ko.

Napabuntong-hininga ako. Tumayo ako mula sa pagkakaupo at kinuha ang coat kong nakasabit pagkatapos ay lumabas ako ng opisina. Naisipan kong bumili muna ng paborito kong Berry Cheesecake at Frosted Coffee sa shop namin na katabi lang naman ng building na kinaroonan ko.

Sa building na 'to matatagpuan ang opisina ko kaya isinunod sa pangalan ko ang building na 'to. Sa tabi naman nito ay ang main branch ng Cadwell Pastry at katapat naman nito ang factory kung saan ginagawa ang mga pastries at iba pang baked goods na ini-offer ng kompanya namin pagkatapos ay idinideliver ito sa mga distributors namin.

"Good morning ma'am." Bati sa akin ng sekretarya ko.

Bahagya ko lamang siyang nginitian pagkatapos ay nagtuloy-tuloy na ako sa paglalakad.

Nag-uunat pa akong lumabas ng elevator at nagulat pa ako nang may makabangga ako.

"Sorry." Paghingi ko ng paumanhin.

Lalagpasan ko na sana yung nakabangga ko nang bigla niyang hawakan ang braso ko at pigilan ako sa paglalakad.

"Aliyah."

Pakiramdam ko ay nabato ako sa kinatatayuan ko ng mga oras na yun. Kilalang-kilala ko ang boses niya at kung hindi ako nagkakamali, siya ang nakahawak sa braso ko ngayon.

Dahan-dahan akong lumingon. Nanlaki ang mga mata ko dahil hindi nga ako nagkamali.

"M-Mathew?"

Ngumiti siya sa akin. Yung ngiting nagpapatunaw ng puso ko at bumubuo ng araw ko noon.

"Yes. It's me. It's been a year, Aliyah and I miss you like crazy."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. Anong ibig sabihin niya?

Binawi ko ang braso ko sa kanya at matapang siyang tiningnan.

"I don't have time for your jokes, Mathew." Mataray na sabi ko sa kanya pagkatapos ay tinalikuran ko na siya.

Tumakbo siya at humarang sa daraanan ko.

The Boss and Her Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon