[25]

14.3K 443 85
                                    

(3RD PERSON'S POV)

Malungkot na pinagmamasdan ni Annie ang natutulog na si Chester. Mahina niyang hinahaplos ang buhok nito. Naaawa siya para sa kaibigan. Marami na itong pinagdaanan. Hangad niyang sana ay maging masaya na ito sa buhay niya.

"Hayy. Kaloka naman ang buhay mo bakla!" wika niya at mahina niya itong binatukan.

Nasa ganoon siyang posisyon nang tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ito mula sa bulsa niya at tiningnan kung sino ang nag-message sa kanya. Napakunot ang noo niya dahil may nag-message sa kanya sa messenger mula sa taong nagngangalang Ella Yeowang.

'Hindi ako sigurado, pero pakiramdam ko nasa loob ng bahay na yan si Aliyah.'

'I followed a suspicious man. As far as I remember, he's the man living beside Chester's unit.'

"Who the hell is Ella Yeowang?!" tanong niya sa sarili niya pagkatapos ay iniscroll niya ang message at nakita niya ang larawan ng isang lumang bahay.

Nanayo ang balahibo niya dahil kahawig ng bahay na iyon ang mga bahay na ginagamit sa mga horror movies.

"Is this a prank?" muling tanong niya.

"Hey Dolly! Kilala mo kung sino si Ella Yeowang?" tanong ni Annie sa nagme-makeup na si Dolly.

"Ella Yeowang? Ahmm. Parang familiar. Hoy Bonnie! Kilala mo ba kung sino si Ella Yeowang?" tanong naman ni Dolly sa nagkakapeng si Bonnie.

"Yup. That's the other messenger account of Stella. Ella is her nickname and Yeowang means queen in Korea. Yan yung account niyang naka-log in sa extra niyang phone. Lagi kasing may dalang extrang phone ang bruha. In case of emergency daw. Alam niyo naman yun. Masyadong witty. Bakit ba?"

"So, ibig sabihin siya ang nagsend nito?" saad ni Annie at pinakita sa dalawang bakla ang mensaheng natanggap niya mula kay Stella.

"Oh my gulay! Don't tell me finollow the leader niya yung kumidnap kay bebe Aliyah?!" nanlalaking tanong ni Dolly habang hindi pa rin binibitawan ang hawak niyang salamin at eyeliner.

"IBIG SABIHIN NASA KAPAHAMAKAN DIN SI STELLA NGAYON?!" biglang sigaw ni Bonnie.

"OMO! OMO! FAFA CHESTER WAKE UP NA YOU!" tila baliw na sabi ni Dolly habang ginigising si Chester.

"Bakit? Anong nangyayari?" pupungas-pungas pang tanong ni Chester sa tatlo.

"May sinend sa akin si Stella." Sabi ni Annie at pinakita rin kay Chester ang message ni Stella.

"Si Harold?" naguguluhang tanong ni Chester.

"Ano namang pakay niya kay Aliyah?" dagdag niya pang tanong.

"Try calling her." Utos ni Chester kay Annie na agad naman nitong sinunod.

Ilang beses tinawagan ni Annie ang numero ni Stella pero hindi ito sumasagot at palaging operator ang nagsasalita.

"Cannot be reached ang tanging sinasabi ng operator sa akin. Hindi kaya may nangyari kay Ste---"

Hindi na natapos ni Annie ang sasabihin niya dahil mabilis na naagaw ni Chester ang cellphone niya at halos liparin na ng lalaki ang kinaroroonan ni SPO2 Im Jaebum. Nang makarating na siya sa lamesa nito, agad niya itong kinuwelyuhan at bakas sa mukha niya ang kaba.

"Look for Stella's location. Hindi lang si Aliyah ang nasa panganib ngayon, pati na rin si Stella."

Napatingin si Jaebum sa cellphone na hawak-hawak ni Chester. Kinuha niya ito at tumango bilang sagot.

The Boss and Her Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon