[10]

15.4K 492 85
                                    

(3RD PERON'S POV)

Tahimik na pumasok ng opisina si Chester. Napatingin siya kay Aliyah at nakita niyang abala ito sa pagsusulat. Hindi na lamang nya ito pinansin dahil naisip niyang baka hindi din naman siya nito kausapin.

Dumiretso na lamang sya sa table niya at nagsimulang gawin ang mga dapat niyang gawin. Nasa ganoon siyang posisyon nang biglang tumunog ang cellphone niya. Bago niya ito sagutin, nakita pa niyang napatingin sa kanya si Aliyah pero agad ding nag-iwas ng tingin nang tumingin siya sa direksyon nito.

"Hello Annie." Bati niya sa kaibigang nasa kabilang linya.

This time, tumingin na talaga sa kanya si Aliyah at hindi na nag-iwas ng tingin bagkus ay sinalubong pa ang mga titig niya. Hindi niya mabasa ang iniisip nito kaya hinayaan na lang niya.

"Bakit ka napatawag?" tanong niya kay Annie.

"Ahmmm. Nasa ospital ako ngayon."

"Ha?! Teka bakit?!" tarantang wika niya dito.

"Don't worry. Walang nangyaring masama sa akin. Nasa ospital ako ngayon kasi nandito si Mathew. Ipinatahi kasi namin ang sugat niya sa noo. Tinawagan lang din ako ng ospital at sinabing pumunta ako dito. Sabi daw nang kabarkada ni Mathew na naghatid sa kanya, he had a fight last night at the bar where they hang out. Kapag tinatanong ko naman si Mathew kung bakit siya nakipag-away, hindi naman nya ako sinasagot. I know that he's a short-tempered pero hindi siya normally nakikipag-away ng walang dahilan." Mahabang paliwanag ni Annie.

"Ah. Akala ko naman kung ano ng nangyari sa'yo. Kailangan mo ba ng tulong? Pupunta ako dyan."

"No need. Kaya ko na 'to. By the way, I'll call you later. Tinatawag na ako ng doktor."

"Okay. Bye."

Pagkatapos nun ay tinapos na ni Chester ang tawag. Napatingin siya sa dako ni Aliyah. Hindi na ito nagsusulat pero nakatulala ito sa kawalan. Naisip niyang hindi pa siguro alam ni Aliyah ang nangyari kay Mathew dahil paniguradong kapag alam niya, susugod ito sa ospital.

Kahit na labag sa loob niya, tumayo siya mula sa pagkakaupo at lumapit sa kinaroroonan ng nakatulalang si Aliyah. Naisip niyang may karapatan itong malaman ang nangyari kay Mathew.

"Napaaway daw si Mathew kagabi. Nasa ospital siya ngayon at kasalukuyang tinatahi ang sugat nito sa noo."

Napatingin sa kanya si Aliyah at tinaasan siya ng kilay.

"Anong gagawin ko?" pagtataray nito sa kanya.

Napabuntong hininga muna si Chester bago muling nagsalita.

"Puntahan mo na. Gusto mo samahan pa kita. Alam ko namang gusto mo siyang makita."

Tumayo si Aliyah mula sa pagkakaupo at naglakad papunta sa harap ni Chester. Pinagkrus niya ang mga braso niya sa may dibdib niya at pinakatitigan mabuti si Chester.

"Baka kaya mo ako gustong papuntahin dun ay dahil gusto mong makita si Annie?"

Napatingin si Chester sa ibang direksyon dahil sa tanong ni Aliyah at inis na kinamot ang batok niya.

"O bakit hindi ka makasagot? Kasi totoo!" pangungulit ni Aliyah.

"Aliyah, pwede ba? Itigil mo na yang pag-iisip mo ng kung anu-ano."

Napangisi si Aliyah at pumamewang.

"Aminin mo na kasi na kaya mo pinilit na may mangyari sa atin or should I say, makipag-sex sa akin ay dahil dyan sa Annie na yan! Ginawa mo yun para sa kanya diba? Para hindi siya iwan ni Mathew. Diba?! Sumagot ka!"

Napatingin sa kanya si Chester at matalim siya nitong tiningnan.

"O tapos magagalit ka ngayon? Umamin ka na kasi. Simple lang naman eh. Sasagutin mo lang ng OO ang tanong ko!"

Napailing si Chester dahil sa mga sinasabi ni Aliyah. Dahil sa sobrang inis, tinalikuran niya ito at akmang aalis ng opisina pero mabilis na nahawakan ni Aliyah ang braso niya at pinihit siya nito paharap.

"Saan ka pupunta?! Sagutin mo muna---"

Hindi na niya pinatapos sa pagsasalita si Aliyah. Mabilis niya itong hinatak at isinandal sa pader. Tinakpan niya ang bibig nito at tinitigan mabuti. Nakita niyang namula ang mukah nito at tila nabato dahil sa ginawa niya.

"Gusto mo ba talagang malaman ang dahilan?" tanong ni Chester.

Nakaramdam ng kaba si Aliyah dahil sa tanong ni Chester. Hindi niya alam pero natatakot siya na baka OO ang isagot ni Chester. Kahit na kinakabahan, tumango pa rin siya bilang sagot.

Umiwas ng tingin si Chester sa kanya at makailang beses na kinagat nito ang labi niya. Maya-maya'y muli siyang humarap kay Aliyah at mas diniinan ang pagkakatakip ng kamay nya sa bibig nito.

"Mahal kita, Aliyah."

Nanlaki ang mga mata ni Aliyah dahil sa narinig at pakiramdam niya ay nagkaroon ng riot sa loob ng katawan niya. Naramdaman din niyang tumindi ang pag-iinit ng pisngi niya.

"Oo Aliyah. Mahal kita. Yun ang dahilan kaya ko ginawa yun kasi ayaw kong mapunta ka kay Mathew. Makasarili na kung makasarili pero hindi ko pinagsisisihan ang ginawa ko. Hindi yun basta-basta sex dahil ginawa ko yun para hindi ka mawala sa akin."

Hindi alam ni Aliyah ang gagawin niya. Gusto niyang umiwas sa mga titig ni Chester pero hindi niya magawa dahil tila napako na ang mga mata niya sa mga mata nito.

Tinanggal na ni Chester ang kamay niya mula sa pagkakatakip sa bibig ni Aliyah. Napayuko siya dahil ramdam na ramdam din niya ang pamumula ng mukha niya.

"Sorry." Sabi niya pagkatapos ay mabilis na tinahak ang daan papalabas ng opisina.

Samantala, naiwan namang nakanganga si Aliyah at hindi makapaniwala sa mga narinig niya mula kay Chester. Maya-maya'y tumunog ang cellphone niya na nasa may lamesa niya. Lumapit siya dito at nakita niyang si Mathew ang natawag.

Kung dati-rati ay nakakaramdam siya ng saya kapag tumatawag ang nobyo, ngayon ay tila wala siyang interes dito. Walang pagdadalawang isip niyang inignore ang tawag nito pagkatapos ay napahawak siya sa puso niyang wala pa ring tigil sa pagkabog. Napasandal siya sa pader habang mahinang tinatapik-tapik ang dibdib niya para pakalmahin ang puso niya. Kahit na nagtataka sa nararamdaman niya ngayon, napangiti pa rin siya dahil iisa lang ang nasa isip niya ngayon...




Masaya siya sa mga narinig niya.


(A//N: Kamusta mga bes? Hahahaha. Short update muna. Medyo busy akes sa school at sa pagi-stream eh. Hahahaha! So ayern, mga babies ko nga pala yung nasa baba. Wala lang share ko lang. Na-LSS ako sa comeback nila eh. By the way hi-way, sana nag-enjoy kayo sa confession ni Chester mylaaabs!)



Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now