[26]

15.6K 455 115
                                    

(A//N: Dedicated kay @Firaech dahil sa napakabongga't napakakabog na book cover :D )

(CHESTER'S POV)

Tahimik kong pinagmamasdan ang himbing na himbing na si Aliyah. Limang araw na ang nakakalipas simula nung mailigtas namin siya mula kela Harold. Kakalabas lang ni Aliyah mula sa ospital kahapon at kasalukuyan siyang nagpapagaling ngayon dito sa bahay namin. Oo. Tama kayo ng basa. Nasa bahay namin siya ngayon. Yung bahay kung saan kami dati nakatira ni Aliyah.

Hindi na siya umangal nung dito namin siya iuwi kagabi kaya walang naging problema. Mahina pa ang katawan niya. Bawat kilos niya ay kailangang inaalalayan siya. Nagkaroon din siya ng trauma pero hindi naman ganoon kalala.

Hinaplos ko ang pisngi niya. Ang pisngi niyang may mga pasa pa rin. Hindi ko maiwasang makaramdam ng kirot sa dibdib ko. Huminga ako ng malalim at pinilit ngumiti.

"Babawi ako sa'yo. Promise." Mahina kong bulong.

Sinuklay-suklay ko ang buhok niya at hinalikan ko ang noo niya. Inayos ko rin ang kumot niya bago siya niyakap. Maya-maya pa'y naramdaman kong mahina niya akong tinutulak-tulak. Napatingin ako sa kanya at nginitian siya samantalang siya naman ay umiwas ng tingin sa akin.

"Gising ka na pala." Nakangiti kong wika sa kanya.

"N-Nasaan sila ate?" tanong naman niya sa akin at humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin.

"May pasok sila ngayon kaya sa akin ka muna nila iniwan. Nagugutom ka ba? Sandali. Ipagluluto kita." Sabi ko at tumayo na.

"Hindi ako nagugutom. Gusto ko ng maligo. Init na init na ako."

Awtomatiko naman akong napatingin sa kanya at umupo sa tabi niya.

"O edi tara. Paliguan na kita."

Napatingin siya sa akin at hindi nakatakas sa mga mata ko ang biglaang pagpula ng mga tenga niya.

"P-Papaliguan?"

"Oo. Mahina ka pa Aliyah. Hindi mo pa kaya ang katawan mo." Paliwanag ko sa kanya.

"Kaya ko." Pagmamatigas niya at bigla siyang bumangon.

Pupunta na sana siya sa CR kaso muntikan na siyang matumba mabuti na lamang at mabilis ko siyang nasalo. Hinawakan ko ang balikat niya at inayos siya sa pagkakatayo.

"Ako na ang magpapaligo sa'yo. Wag ka ng makulit." Saad ko pagkatapos ay bahagya kong ginulo ang buhok niya.

Inalalayan ko siya pabalik sa kama niya at pinaupo muna siya dun. Bahagya akong yumuko para magkapantay ang mga mukha namin.

"Ihahanda ko lang ang pampaligo mo kamahalan." Biro ko sa kanya at pumunta na sa CR.

Pagkatapos kong maihanda ang pampaligo niya, binalikan ko na siya at nagulat pa siya ng buhatin ko siya. Nang makarating na kami sa CR, isinandal ko siya sa may lababo at akmang huhubarin ko na ang damit niya ng pigilan niya ang kamay ko.

"Ako na." mahina niyang sabi habang nakatungo.

Napailing na lamang ako at pumamewang habang tinitingnan siyang isa-isang tinatanggal ang butones ng suot niyang pantulog. Bigla siyang tumingala at tiningnan ako. Napataas naman ang kilay ko dahil sa titig niya.

"Bakit?" tanong ko sa kanya.

Kumamot muna siya sa batok niya at hinawakan ang magkabilang balikat ko.

"Chester..."

"O?"

Dahan-dahan siyang lumapit sa akin habang ako naman ay hindi na makagalaw sa kinatatayuan ko. Sa pag-aakalang hahalikan niya ako, dahan-dahan kong ipinikit ang mga mata ko pero nagulat ako nang pihitin niya ako papatalikod.

The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now