[3]

18K 707 179
                                    

(CHESTER'S POV)

"Sure ka ba talaga bes na pupunta ka sa bahay namin?" tanong ko kay Aliyah na busy sa pagsusuklay ng buhok niya sa harapan ng salamin.

Nakatalikod siya sa akin at dahil nakasuot lamang siya ng pink na dress na hanggang tuhod, kitang-kita ko ang mapuputing pares ng binti niya. Napako ang paningin ko dun at hindi ko alam kung bakit pero parang may magnet ito.

"Nagiging manyak na nga ata talaga ako." Bulong ko sa sarili ko.

"Gusto kong makita ang pamilya mo at gusto kong makita kung komportable ba sila sa bahay na binili ko." Sagot niya sabay harap sa akin at nginitian ako.

Nagulat ako sa ginawa niyang pag-ngiti sa akin. Parang ito ata ang unang beses na ngumiti siya sa akin ng totoo at hindi halatang pilit lang.

"Ganda mo dyan bes." Puri ko sa kanya para naman hindi niya mahalatang nagulat ako sa pag-ngiti niya.

"Well, napag-isipan kong wag ng magpakalosyang. Tulad nga ng sinabi mo, kailangan kong ipakita sa buong universe na pretty ako kahit na tinakbuhan ako ng magaling kong ex. So If I were you, better prepare yourself kasi baka ma-fall ka kapag inilantad ko na ang kagandahan ko!" saad niya sabay flip ng buhok niya.

Napailing na lang ako dahil sa sinabi niya pero lihim din akong napangiti.

Pagkatapos niyang makapag-ayos pumunta na kami sa bahay namin or should I say, bahay na binili niya para sa amin. Alas sais na ng makarating kami dun dahil sobrang traffic pero ang loka, ngiting-ngiti pa rin nang salubungin siya nila nanay, Carey at Casey.

"Kagandang bata naman ire." Wika ng nanay ko habang inaalalayan si Aliyah na umupo sa sofa at dineadmatologist lang ang beauty ko. Kaloka!

"Thank you po." Sagot naman ni Aliyah nang makaupo na siya.

Yung kambal kong kapatid, nakatulala lang kay Aliyah at tila amaze na amaze sa nakikita. Maya-maya'y lumapit sila sa akin at bumulong.

"Sure ka ba talagang asawa mo yan bes?" tanong sa akin ni Casey.

"Oo. Bruhang 'to nagduda pa." ganti ko naman.

"Chaka mo kaya bes tapos ang pretty niya. Layo niyo. Langit siya, ikaw di hamak na hampaslupa!" sabi naman ni Carey.

"Wow ha! Shupateds ko ba talaga kayo? Kaloka! Chaka rin fes niyan dati kasi brokenhearted ang loka sa ex niyang nag-runaway sa mismong kasal nila. Sinabihan ko lang yang magpaganda kaya nag-ayos. Duh!" pabaklang wika ko naman sa kanila sabay kumpas ng mga kamay ko.

"Naku Chester! Hindi ko talaga akalain na mag-aasawa ka ng babae. Akala ko talaga maskuladong lalaki ang iuuwi mo sa amin."

"Yun naman po talaga ang gusto ko, nay." Sigaw ko sa isip ko.

"So, paano kayo nagkakilala hija?" baling na tanong ng nanay ko kay Aliyah.

"Whether you believe it or not, Chester took my virginity last two months ago and it's a long story so don't bother to ask." Ngiting-ngiting sabi ni Aliyah.

"Aba ang loka! Inapply pa sa pamilya ko ang kasinungalingang sinabi niya sa lolo niya!" saad ko ulit sa isip ko.

"OMG! So, magaling ba sa kama si kuya?!" tanong ni Carey dahilan para lumaganap ang malawakang katahimikan sa bawat isa sa amin.

"Sagutin mo, Aliyah. Ikaw pasimuno nito!" sigaw ko sa isip ko.

"Ano ate?" tanong naman ni Casey.

The Boss and Her Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon