[27]

15.8K 422 74
                                    

(MATTHEW'S POV)

Kinuha ko ang cellphone ko at ginawang salamin ang screen nito upang tingnan ang itsura ko. Inayos ko ang buhok ko at ang polong suot ko. Pagkatapos nun ay ibinalik ko na ito sa bulsa ng pantalon ko at kinuha naman ang bouquet na nakapatong sa coffee table. Inamoy-amoy ko ito habang hinihintay ang pagbaba nila Aliyah.

"Nice one kumare! Para kang manliligaw sa asawa ko." Saad ni Chester habang bumababa sa hagdanan na nakataas ang kilay at naka-cross arms pa. Sa tabi naman niya ay si Aliyah na nakakapit sa braso ni Chester.

"Aliyah." Nakangiting wika ko at binigyan naman niya ako ng tipid na ngiti.

"For you." Sabi ko sabay abot ng bulaklak na dala-dala ko kay Aliyah nang makalapit na sila sa akin pero agad naman 'tong kinuha ni Chester.

"May pa-for you for you ka pang bruho ka!" inis niyang sabi sa akin sabay abot nung mga bulaklak sa katulong nila at inalalayan na si Aliyah papunta sa katapat kong sofa.

"So, anong ginagawa mo dito? Ano aagawin mo na naman ba si Aliyah?"

"Chester..." saway sa kanya ni Aliyah sabay kurot sa hita niya.

Bahagya akong natawa dahil sa ginawang pagkurot ni Aliyah kay Chester.

"Wala na siyang gusto sa akin. Okay? Si Annie na ang mahal niya." Dagdag pa ni Aliyah.

Tumingin sa akin si Chester at tinaasan ulit ako ng kilay pagkatapos ay lumapit siya kay Aliyah at bumulong.

"Hindi ako naniniwala. Baka isa na naman yan sa mga tricks niya para maagaw ka sa akin." Bulong niya kay Aliyah pero halata namang sinadya niya itong lakasan para marinig ko.

"Don't worry Chester. I came back for my wife not for your wife. Trust me." Nakangiti kong pahayag kay Chester to assure him na wala na talaga akong balak agawin sa kanya si Aliyah.

"Trust me truste me. Mukha mo shokoy!" saad niya sabay irap sa akin. Hinampas naman siya ni Aliyah dahil sa ginawa niya.

"I'm glad seeing the two of you happy." Wika ko dahilan para mapatingin sila sa akin.

"I'm really sorry for what I've done. I know that sorry is not enough, but I just wanted to say that I really regret what I've done in the past." Dagdag ko pa.

"It's okay Matthew. Matagal na kitang napatawad." Sabi ni Aliyah at nginitian ako.

"Ang bait mo naman po bes." Pangungutya ni Chester kay Aliyaha rason para makatikim na naman siya ng pinong-pinong kurot sa gilid niya.

Pagkatapos nun ay muli akong hinarap ni Aliyah.

"So, anong plano mo?" tanong niya sa akin.

"Liligawan ko si Annie." Diretsa kong tanong.

"Mahal mo ba talaga si Annie?" eksena ulit ni Chester.

Ngumiti muna ako sandali bago ko sinagot ang tanong ni Chester.

"Naaalala mo pa ba nung pinuntahan niyo kami sa Palawan?"

"Syempre! Hindi ko yun malilimot!" mataray na sabi ni Chester.

"Noong sinabi ni Annie na pinapalaya na niya ako, nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. The moment she turned her back to me, that was the time I realized that I love her and I don't want to lose her. Kaya naisipan kong magpakalayo-layo muna at baguhin ang sarili ko. Gusto ko kasi pagbalik ko, hindi na ako yung Matthew na laging dahilan ng pag-iyak ni Annie. Gusto ko ako na yung Matthew na magiging dahilan nang pagngiti niya." Mahabang paliwanag ko at nagulat ako nang bigla akong palakpakan ni Chester pagkatapos ay naglakad siya papunta sa akin.

The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now