[15]

14.6K 441 151
                                    

(MATHEW'S POV)

Kanina pa ako nakatulala habang paulit-ulit na pinapaikot ang daliri ko sa bibig ng baso ng alak na hawak ko. Hindi pa rin ako makapaniwala sa mga sinabi ni Aliyah. Hindi ako makapaniwalang mas pinili niya si Chester kesa sa akin.

"That f*cking bastard!" sigaw ko sabay bato ng hawak-hawak kong baso dahilan para mabasag ito at magkapira-piraso.

Napasapo ako sa noo ko at hindi ko mapigilang mapaiyak habang unti-unting inaalala ang gabing nakipaghiwalay sa akin si Aliyah.

"Mathew, let's stop this." Seryosong sabi ni Aliyah habang nakatingin sa mga mata ko ng diretso.

"What are you talking about?" naguguluhan kong tanong.

"Mathew, let's end this relationship. Pareho tayong hindi sasaya kung itutuloy pa natin 'to."

"A-Aliyah..."

Sinubukan ko siyang hawakan kaso mabilis siyang lumayo sa akin.

"Aliyah, bakit? Ano bang nagawa ko?"

"Wala Mathew. Wala. This is all my fault. Kung hindi ako pumayag na makipagbalikan sa'yo, hindi na 'to mangyayari pa."

"Pero Aliyah masaya naman tayo diba? Bakit kailangan mo 'tong gawin?"

"Akala natin masaya tayo Mathew pero ang totoo pilit lang nating binabalik ang kung anong meron tayo dati habang may nasasaktan tayong iba. Hindi ko na kayang makita pang nasasaktan sina Chester at Annie and to tell you the truth, I don't love you anymore. My heart belongs to Chester now. Noong bumalik ka sa piling ko, sobrang saya ko and I thought I still have feelings for you but it turns out na kaya lang ako masaya na bumalik ka sa akin ay dahil patuloy pa rin akong namumuhay sa nakaraan. Masyado akong nabulag sa nakaraan Mathew at sa sobrang pagkabulag ko naging selfish ako at nasaktan ko ang taong totoong nagmamay-ari ng puso ko." Mahabang pahayag niya habang hindi tinatanggal ang tingin sa akin.

"Aliyah, don't do this to me. I love you and I will do whatever I can just to win your heart again."

"Mathew, itigil mo na 'to. You have your wife though hindi kami masyadong magkakilala but I know that she's a great woman. You should care for her because she's a precious gem. Baka magsisi ka sa bandang huli kapag wala na siya sa'yo."

"Aliyah, ikaw lang ang kailangan ko." Pakiusap ko sa kanya pagkatapos ay niyakap ko siya pero marahas niya naman akong itinulak.

"Tapos na tayo Mathew." Wika niya na siyang dumurog sa puso ko.

Pinagmasdan ko siyang maglakad papalayo. Papalayo sa akin. Pinagmasdan kong maglakad palayo ang kaisa-isang babaeng minahal ko sa buong buhay ko.

Alam ko naman umpisa pa lang na may nararamdaman na siya para kay Chester. Walang oras na hindi niya 'to tinetext o tinatawagan para kamustahin. Kapag nag-uusap kami, palagi niya 'tong nababanggit. Kapag namamasyal kami at may nakita kaming isang bagay na makakapagpaalala kay Chester, bigla-bigla na lang lalawak ang ngiti niya. Mas malawak pa sa ngiting binibigay niya sa akin.

Umpisa pa lang kinabahan na ako dahil alam kong may kalaban na ako sa puso ni Aliyah. Hindi na siya yung Aliyah dati na puro pangalan ko ang bukambibig. Pero kahit na ganun, sinubukan ko pa ring ilayo ang loob niya kay Chester. Nang malaman niyang magkaibigan sina Annie at Chester, galit na galit siya nun at ramdam na ramdam ko ang selos niya. Nagulat pa nga ako nang pumayag siya sa alok kong makipagtanan. Matutuwa na sana ako kaso ang dahilan nya ay gusto niyang habulin siya ni Chester at humingi ng tawad.

The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now