[22]

13.6K 410 62
                                    

(SOMEONE'S POV)

"Kailan mo ba siya madadala sa akin?"

Tanong ng kapatid ko mula sa kabilang linya. Napabuntong-hininga ako habang nakatanaw sa resort na tinutuluyan nina Aliyah.

"I badly want my bride right now!" gigil na gigil na sabi niya.

Napakamot ako sa ulo ko at bumuntong-hininga ulit.

"Malapit na." kalmadong sabi ko.

"Matagal mo nang sinasabi yan pero hindi mo pa rin siya nadadala sa akin. Gustong-gusto ko na siyang mayakap. Gustong-gusto ko na siyang makasama at pakasalan!"

"Kaunting hintay na lang. Okay?"

"Ilang buwan na akong naghihintay pero hindi mo pa rin siya nadadala sa akin!" sigaw niya at narinig ko ang tunog ng mga nababasag na gamit. Marahil ay nagwawala na naman siya.

"Kumalma ka lang. Okay? Gagawa si kuya ng paraan."

"I want her right now! Nasaan ba siya ngayon?"

Muli akong tumingin sa resort na tinutuluyan nina Aliyah at nagdalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kapatid ko kung nasaan si Aliyah at kung sinong kasama nito. Siguradong magagalit na naman ito.

"Where the hell is she?!" muling sigaw nito.

"She's with her husband."

"Husband? Husband? Nagpapatawa ka ba? HAHAHAHAHA! Ako lang ang asawa niya. She's my wife and I'm her husband!

Hindi na lamang ako umimik at pinakinggan ko na lang ang mabibigat niyang paghinga tanda na galit na galit na siya.

"Kuya..."

"Hmmm?"

"I want her right now." Pagsusumamo niya dahilan para mapangiti ako.

"Yeah. I'm bringing her to you tonight. Naghihintay lang ako ng tamang tyempo."

"Are you serious?"

"Yes. I'm dead serious." Sabi ko habang nakatingin sa labas sakto namang lumabas si Stella galing sa loob at nakabusangot ang mukha niya.

"By the way, there's this girl who always annoys your wife. What should I do to her?"

Narinig kong pinatunog niya ang mga daliri niya mula sa kabilang linya at narinig ko din ang mahinang pagtawa niya.

"You know what to do. Ayokong nasasaktan ang asawa ko."

Pagkatapos niyang sabihin yun, binaba na niya ang tawag. Samantalang ako ay naiwang nakangisi habang pinagmamasdan ang nakasimangot na si Stella.

(3RD PERSON'S POV)

Unti-unting iminulat ni Aliyah ang kanyang mga mata. Agad na sumalubong sa kanya ang nakakasilaw na sinag ng araw mula sa siwang ng bintana dahilan para muli niyang ipikit ang mga mata niya. Bahagya din siyang napangiti dahil masarap ang tulog niya. Ngayon na lang ulit siya nakatulog nang ganoon.

"Baka balak mo nang bumangon? Ang sakit na ng katawan ko."

Napabalikwas ng bangon si Aliyah dahil sa narinig at doon lamang niya napagtanto na nakadapa pala siya sa ibabaw ni Chester. Tulad nang nakagawian niya noon, ginawa niya itong kama. Hindi siya agad nakaalis sa ibabaw nito dahil sa sobrang gulat. Nanatili siyang nakaupo sa may tiyan nito.

The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now