[24]

13K 393 56
                                    

(3RD PERSON'S POV)

"Kuya kausapin mo si Aliyah. Ayaw na niyang magpakasal sa akin." Pakiusap ni Harvey sa kapatid nang pumasok ito sa basement.

Humarap naman sa kanya si Harold at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Sige kakausapin ko siya para sa'yo Harvey. Siguradong papayag siya at hindi ka niya iiwan tulad ng iba mong mga asawa." Nakangiting wika ni Harold sa kanyang kapatid.

Sumilay ang malawak na ngiti sa mga labi ni Harvey dahil sa sinabi ni Harold.

"Talaga kuya?"

"Yup."

"Sige lalabas muna ako kuya. Ikaw na ang bahala kay Aliyah!" wika ni Harvey at nilingon niya si Aliyah at binigyan ito ng isang ngiti pagkatapos ay tila batang patalon-talon na lumabas ng basement na may hawak-hawak pang rubik's cube.

Pagkatapos lumabas ni Harvey, hinarap ni Harold ang naguguluhang si Aliyah. Humila siya ng upuan at umupo sa tapat ng babae.

"How are you Aliyah?" ngiting-ngiti niyang tanong sa babae.

Hindi sumagot si Aliyah bagkus ay nanatili itong nakatingin sa lalaki.

"Siguro nagtataka ka kung paano namin napatawag sa'yo ang kuya mo?" nakangiti pa ring tanong ni Harold kay Aliyah.

Ipinatong niya ang mga siko niya sa hita niya para mas makita niya sa malapitan ang mukha ni Aliyah.

"Well, the other guy that got out of my car that day is a professional voice impersonator." Saad nito tsaka humalakhak ng tawa.

Napakunot ang noo ni Aliyah. Hindi naman nakakatawa ang sinabi nito pero bakit ito tumatawa?

"Why are you doing this to me?" tanong ni Aliyah kay Harold dahilan para tumigil ito sa pagtawa.

"May nagawa ba akong mali sa inyo? Ni hindi ko nga kayo kilala pero bakit niyo ako ginaganito? Ano bang kailangan niyo? Pera? Magkano ba? Kayang-kaya kong ibigay kahit---"

"No." pagpuputol ni Harold sa sinasabi ni Aliyah.

"We don't need anything. We have lots of money so we don't need yours. It's just that my brother is obsessed with a married woman. He loves stealing other's queen." Muling ngumiti si Harold pero iba na ang ngiti niya ngayon. Tila nakakatakot na ang ngiti nito.

Umayos ito ng upo at dumikwatro habang titig na titig pa rin kay Aliyah. Minsan din ay nilalabas niya ang dila niya para basain ang labi niya.

"Alam mo bang matagal na kitang sinusundan? I've been stalking you for almost 3 months. Ewan ko ba dun sa kapatid ko? Nakita ka lang sa billboard, tinamaan na agad sa'yo. Kung ako sa'yo, better choose my brother than your gay husband. Wala namang ibang ginawa yun kundi saktan ka. At least sa kapatid ko, sasaya ka."

"F*CK YOU ASSHOLE!" mura ni Aliyah sa lalaki.

"Yeah. Curse me. I love hearing curses." Nakangising wika nito.

"HINDI BA KUYA KA NIYA?! BAKIT HINDI MO DISIPLINAHIN YANG KAPATID MO?!" nanggigigil na wika ni Aliyah.

Mahina munang tumawa si Harold bago sumagot.

"Well, I'm enjoying abducting woman. It's a little bit tiring but it's all worth it. My heart flutters every time my brother begs for my help and I love hearing woman's screams. It's like music to my ears."

"YOU TWO ARE CRAZY!" sigaw ni Aliyah kay Harold.

"Call us whatever you want, but it doesn't change the fact that you will soon be my sister-in-law. And be prepared to meet his other wives. Make sure to have fun with them." Saad ni Harold at kinindatan pa si Aliyah bago tumayo at binalik ang busal nito sa bibig.

The Boss and Her Beki HusbandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon