[19]

13.3K 461 176
                                    

(ALIYAH'S POV)

"P-Pakiulit yung sinabi mo." Sabi ko kay Aika habang ikinukumpas ang kamay ko dahil hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko.

Huminga muna ng malalim si Aika at muling binuksan ang tablet niya.

"Si Stella ay ang unica hija ni Sharon Smith or mas kilala sa tawag na Madam Shasha. Ayon sa mga nakalap kong impormasyon, itong Madam Shasha na ito ang nagpaaral kay Chester sa Paris. Posible kaya ma'am na may relasyon si Sir Chester at si Stella? Malay mo habang nag-aaral si Sir sa Paris, na-fall siya kay Stella. Ano sa tingin mo ma'am?"

Agad kong binato ng hawak kong ballpen si Aika dahil sa huling tanong niya pero agad din naman siyang nakaiwas at nag-peace sign pa sa akin.

"Tigil-tigilan mo ako Aika!"

"Malay mo naman diba ma'am?"

"Sabi sa akin ni Chester dati, magkaibigan lang sila."

"Dati yun pero hindi na ngayon!"

"Bakla si Chester kaya imposibleng mangyari yang sinasabi mo."

"Eh ikaw nga ma'am minahal nung baklang yun, si Stella pa kaya na di hamak namang mas matangkad at maganda kesa sa inyo!"

"Gusto mo bang masisante?!" inis kong tanong sa sekretarya ko.

"Ay joke lang ma'am. Hindi ka naman po mabiro. Hehehehe!"

"Sino ba sa aming dalawa ni Stella ang amo mo?"

"Ikaw po. Ang ganda nyo kaya ma'am tepes eng beet pe. Hehehehe!"

Napa-roll eyes ako dahil sa ginawa ni Aika. Para kasi siyang tanga!

"Osya sige! Umuwi ka na nga't kumuha pa ng ibang impormasyon tungkol kela Chester at Stella."

"Aye sir!" saad niya sabay salute.

Pagkalabas ni Aika ng opisina ko, nag-ayos na rin ako ng gamit ko dahil uuwi na ako. Pagkalabas ko ng building, agad kong nakita si Chester na papasok na sa kanyang kotse. Hindi niya kasama si Stella kaya naman hindi na ako nagdalawang isip pa na lapitan siya at komprontahin.

"Chester..." sabi ko sabay hawak sa braso niya.

Napalingon siya sa akin at napataas ang kilay niya pero agad din naman itong bumaba at ngumiti sya sa akin.

"Yow! Long time no see, Aliyah."

Nasaktan ako sa paraan ng pagkakasabi niya. Tila wala siyang pakielam sa akin.

"C-Chester..."

Hindi ko alam pero pakiramdam ko maiiyak na ako. Matagal kong hinintay na makita siya ulit tapos ganito lang pala ang mangyayari.

"May sasabihin ka ba sa akin?" tanong niya.

Tumingala ako ng bahagya para hindi bumagsak ang luha ko.

"C-Chester akala ko ba kailangan ko lang mag-isip ng mabuti at pumili sa inyong dalawa ni Mathew tapos ay magkakaayos na tayo? Chester hindi ko naman kailangang mamili dahil matagal ng ikaw ang laman ng puso ko."

Napayuko siya dahil sa sinabi ko at kinamot niya ang batok niya pagkatapos ay muli siyang nag-angat ng tingin at ngumisi.

"Lahat ng tao nagbabago, Aliyah."

Nagulat ako dahil sa sinabi niya. Ibig sabihin ba nun ay hindi na niya ako mahal?

"C-Chester---"

The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now