[7]

15.6K 516 390
                                    


(ALIYAH'S POV)

"Pakibilisan ang pagtatrabaho, Chester." Sabi ko kay Chester habang naglalakad ito papunta sa desk niya na may dala-dalang patong-patong na mga folder.

"Wow ha! Ginawa mo na nga akong instant mister, ginawa mo pa akong instant julalay mo. Hay nako! Nakakaloka ka namang maging asawa!" pagdadabog nito na may kasama pang pag-irap sa akin.

Oo mga bes. Tama kayo ng basa. Nagtatrabaho na ngayon si Chester sa kompanya namin at naisip kong magsama na lang kami sa iisang opisina tutal naman ay mag-asawa kami sa mga mata ng mga trabahador namin.

Nitong mga huling araw, puro mga insulto ang nakukuha ni Chester mula sa lolo ko. Sabi niya ay wala daw kayang gawin si Chester at isa lamang itong pabigat sa akin kaya naman kahit na ayaw kong pagtrabuhin si Chester dahil alam kong aangal siya, pinagtrabaho ko pa rin siya. Gusto ko kasing patunayan sa lolo ko na maraming kayang gawin si Chester.

"Pati ba naman pagiging asawa ko sa'yo dinadamay mo? Oh my God Chester! Your job is just simple. You're just going to review some of the strategies used by our competitors so that we'll have an idea on what positioning strategy are we going to make." Saad ko naman sa kanya habang nakapamewang pa.

"Don't English me. I'm not school!" pagtataray naman niya sa akin.

Natawa ako dahil sa sinabi niya. This gay never fail to make me smile.

"Don't worry. Pagkatapos mo diyan, kakain tayo ng dinner sa labas." Ngiting-ngiti kong wika sa kanya.

Napatingin siya sa akin pagkatapos ay tinaasan ako ng kilay.

"Siguraduhin mo lang. Nako! Dapat sa bonggang restaurant tayo kakain ah? Ayoko sa pipichugi! Like duh! Dyosa kaya akes."

Hindi na lamang ako umimik at nakangiting bumalik sa upuan ko para tapusin na ang mga ginagawa ko.

---

Pagkasapit ng alas siyete ng gabi, nag-ayos na ako ng mga gamit ko at ganun din si Chester. Nag-retouch din ako ng kaunti para naman hindi ako mukhang pagod na pagod.

Pagkatapos kong makapag-ayos, lumabas na kami ni Chester. Halata sa mukha niya na excited siya kaya naman lihim din akong napapangiti.

Pagkabukas ng elevator na kinaroroonan namin, nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sa akin si Mathew. Nakatayo siya sa harapan namin habang may dala-dalang bouquet ng mga bulaklak.

"M-Mathew?"

"Hi Aliyah!" masiglang bati niya sa akin.

Naramdaman kong napatingin sa akin si Chester pero hindi ko siya nilingon.

"Wh-What are you doing here?" tanong ko sa kanya kasabay nang pagtingin ko sa hawak-hawak niyang bulaklak. Hindi ko alam pero hinihiling ko na sana para sa akin ang mga bulaklak na iyon.

"Nandito ako para kausapin ka."

Lumapit sa akin si Chester at bumulong.

"Anong ibig sabihin nito bes? Bati na ba kayo ng shokoy na ites?"

Imbes na sagutin si Chester, nanatili lamang akong nakatulala kay Mathew.

"By the way, flowers for you." Sabi ni Mathew sabay abot sa akin ng bulaklak.

Nakaramdam ako ng kakaibang saya ng malamang para sa akin talaga ang bulaklak. Akmang aabutin ko na 'to ng mabilis namang nakuha ito ni Chester.

"Teka lang Mathew ha, anong ibig sabihin ng pa-flowers flowers for you mo?" mataray na wika ni Chester kay Mathew na may nakataas pang kilay.

The Boss and Her Beki HusbandWhere stories live. Discover now