Lower!?

404 11 3
                                    

Crossroads- Lower!?

Hansel’s POV

 “Anything, Ma’am, Sir?” tanong ng crew na lumapit samin. May dala syang tray ng orange juice and iced tea.

“Ice tea na lang, thank you.” sagot ko habang tintanaw yung mga naliligo. Sa paglilibot namin ni Chad, nakarating kami sa pool area ng hotel. Parang gusto ko na ring maligo. Grabe lang ang daming fafa, siguro kung nandito si Cynthia, matutuwa yun.

I shook my head. Kung anu-ano nang naiisip ko. Sumandal ako sa bench saka saglit na pumikit.

“Make it two.” Narinig ko pang sabi ni Chad. Dinig ko pa yung pagtunog ng baso matapos iyon ilapag ng crew sa table na nasa pagitan ng bench namin ni Chad.

Mamaya, magna-night swimming ako. Walang makakapigil sakin. Excited na akong maglakad sa buhangin at maglunoy sa tubig.

Hindi ko na nga mapigilan yung sarili ko na mapangiti. Pero napalis yun nang may marinig akong boses ng babae.

“Hi.” Maarteng sabi nung girl. Yung tipong nang-aakit. Naiisip ko agad si Chad.

Naku Chad! Subukan mo lang magpaakit, malalagot ka sa--.

Ang ibig kong sabihin.. Ganito..

Malalagot sya sakin kung magpapaakit sya sa malalanding babae sa harap ko .

Panira sila ng view noh!  

Nililinaw ko lang.

“Can you help me put some lotion on my back?” patuloy nung girl.

 Hinihintay ko yung reaksyon ni Chad kaya di muna ako naki-butt in.

Kasi naman po, alas kwatro  na ng hapon. Sunblock lotion? Eh wala na kayang araw?

Style nya?

“P-please..”

Ang arte!

At ikaw naman, Chad, ano ? Anong sagot mo? Umayos ka!

I heard him cleared his throat bago sumagot. “Sure.”

Kainis lang ha! Nagpapaniwala sya sa kaartehan ng girl na yun.

“Thank you.” Natutuwang sagot naman ni girl.

Tse!

Kahit naiirita  ako  sa naririnig ko, hindi parin ako dumilat  kasi naman baka masuka pa ako sa makikita ko.

Try to imagine.

Si Chad, nilalagyan ng lotion yung girl na naka-string bikini.

 Slowly, he patted the lotion on her back tapos enjoy na enjoy naman yung girl. Sasabihin nya kay Chad, “Lowe--”

“Lower.” Malambing na sabi nung girl. Hindi ko tuloy napigilan yung pagtaas ng kilay ko. Sabi sa inyo eh!

Naku Chad, subukan mo lang sundin!

“Hmmnn.” Parang nakikiliting ungol nung girl.

Whaaaat???

Parang naesakandalo naman yung utak ko at pinipilit na akong dumilat pero pinigilan ko yung sarili ko. No way! Ayokong makita yung ginagawa ni Chad!

Pero…

Anong part na  ba ang nilalagyan ni Chad ng lotion? Baka naman—

“Just a bit lower, honey.” utos ulit ni girl.

Honey?

 Honey your face!

 Hindi ko na napigilan yung sarili ko nang marinig ko yun. Sabi ng brain ko, susugod daw kami sa gyera eh.

Bakit mo sya tinatawag na Honey? Kayo ba? Kayo ba? Sagot!

Pero bakit si Chad, Honey rin ang tawag sakin eh hindi naman kami?

Well, exception yun.

Eh? Kailangan talaga may internal debate?

“Stop!” sigaw ko sabay bangon at pinameywangan sila. Halos mamilog yung mata ko sa nakita ko.

Chad was about to put some lotion on her butt.

“Don’t you dare!” sigaw ko sa kanya na ikanatulala nilang dalawa.

Nag-inhale, exhale ako. Kahit ako nagulat din ako sa ginawa ko . Goodness Gracious! Did I just make a scene? Napaansin ko kasi na nakatingin na rin sakin yung mga nasa-pool. To cover up yung pagkapahiya ko, dali dali akong umalis dun sa lugar na yun.

Kasalanan yun ni Chad! Kaya bahala sya.

Ilang oras na nga ang nakararan nang iwan ko sila nung maarteng girl sa pool.

Grabe lang si Chad! Hindi man lang namili.

Haler!?

Eh di hamak naman na mas maganda ako dun kaysa sa babaeng yun. Laman lang sya sa hinaharap.

Oh shit lang! Am I comparing?

No!

Sinasabi ko lang yung totoo.

**********************************************************************************************

A?N: Sa mga patuloy na nagbabasa nito.. salmaaaaat po... super happy po ako... :) Kayo yung reason kung bakit nag-eefort akong mag_UD..

Vote po? Comment ka naman please.... Thanks..

Cross RoadsWhere stories live. Discover now