Chapter 89

9.2K 201 5
                                    




Brayden's POV




"Babies naman why so likot? Pinapahirapan niyo naman si tita eh... Hoy, Brayden!! Ikaw tatay 'di ba?! Dapat ikaw nagpapalit ng diaper ng kambal mo!"




"Kung maka-sigaw ka naman parang ang layo-layo ko sa'yo. Eh magkatabi lang naman tayo oh."




"Wala kang pake kung gusto ko sumigaw! Ikaw magpalit ng mga diaper ng mga ito!"




"Alam mo naman na hindi ko alam palitan ang mga diaper nila di ba?" As in hindi ko talaga alam kung paano magpalit ng diaper ng kambal ko. Si Mom at Tita Laila kasi ang nag-aasikaso sa kambal ko, minsan naman si Flare. Mula sa pagtimpla ng gatas, pag-papaligo sa kanila, pag-papalit ng diaper, pag-bibihis, pagpapakain at pagpapatulog ay sila ang gumagawa. Kaya ayan tanging pagpasyal lang sa kambal ko ang kaya ko'ng gawin sa kanila.




"Pwes, pag-aralan mo! Paano nalang kapag wala ako, si tita Laila at tita Hailey. Edi walang magpapalit sa diaper ng kambal mo! Tandaan mo, hindi porket lalaki ka ay hindi mo na dapat pag-aralan kung paano asikasuhin ang mga anak mo." Heto na naman po siya at pinapangaralan ako.




"Oo na, oo na."




Matapos mapalitan ni Flare ang diaper ng kambal ko ay tsaka siya tumayo "Siguro naman kaya mo silang alagaan no? Lalabas lang ako at bibili ng gatas nila."




"Ako nalang ang bibili." Pag piprisinta ko.




"Ako na, dadaan din naman ako ng simbahan." Kinuha niya ang kanyang bag at pinihit ang door knob at tuluyan mg lumabas.




Pagkalabas ni Flare ay napasandal nalang ako sa couch na inuupuan ko. Feeling ko ako yung napagod, eh samantalang pinanood ko lang naman sila.




Ayoko naman kasing kumuha ng yaya, baka kasi mas masanay ang kambal ko sa magiging yaya nila. Ayoko naman mangyari iyon. Kaya nga gustong-gusto ko ng magising si Ysa para makita niya na ang kambal namin at makilala na siya ni Letitia at Laris.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now