Chapter 6

32.8K 780 4
                                    


Pag-gising ko ay nakita ko'ng sa mahabang sofa pa din ako nakahiga. Dito na ako natulog, dahil sobrang takot na takot na talaga ako kagabi at hindi ko na kinayang pumunta pa sa aking kwarto. 


Bumangon na ako at tinupi ang kumot na naka-kumot sa akin.

'Walang hiya ang Brayden na 'to. Hindi man lang ako nilipat sa higaan ko.'


Matapos ko'ng mag-tupi ay nag-punta ako ng kusina. Naabutan ko doon si manang Fely na nag-huhugas ng mga maruming gamit.


"Manang, si Mommy Hailey po? Tulog pa po ba?" Tanong ko habang umiinom ako ng tubig. Yung lalamunan ko ang sakit, dahil sa kaka-sigaw ko kagabi. Kahit walang nakaka-gulat sa pinapanood ko ay napapasigaw ako. Ganyan ako pag nanonood ng horror. Wala pa naman 'yung part na nakaka-gulat o nakakatakot ay napapa-sigaw ako. Nag-re-reklamo na nga si Brayden kagabi na para daw ako'ng sirang wang-wang.


"Umalis na siya, hija. May meeting daw. Nga pala nasa lamesa pa ang mga pagkain. Kumain ka na." Sambit ni manang.


"Sige po." Nag-punta na ako sa lamesa at in-enjoy mag-isa ang masasarap na pag-kain. Hindi ko na tinanong si Brayden, dahil paniguradong umalis na 'yon.


Nag-ready na ako pag-katapos ko'ng kumain. 30 minutes din kasi ang byahe simula dito sa bahay hanggang school. At kailangan ko din medyo agahan para sa i-a-announce mamaya. Pero kinakabahan din ako'ng pumasok, dahil naaalala ko pa rin ang nangyari kahapon. Maaaring buong school ay alam ng mag-asawa kami ni Brayden. May pag-ka tsismosa din kasi ang mga estudyante sa Santa Monica. Pero sana ay wala ng mangyari'ng hindi maganda sa akin. Hay.


-


Nandito na ako sa labas ng school at nag-dadalawang isip kung papasok ba. Kahit ilang beses ko ng palakasin ang loob ko ay mas nangi-ngibabaw pa rin ang kaba at takot ko.


"Besss!" Agad ako'ng napalingon ng marinig ko ang boses ni Flare. Pagka-lapit niya sa akin ay niyakap niya ako ng mahigpit.


"Makayakap ka naman, bes. Parang ngayon lang tayo nagkita, ah" Natatawang sambit ko.


"Duh, I'm super nag-alala to you kaya. Mabuti na lang your husband came at naligtas 'yang beauty mo" Maarteng sambit ni Flare.


So, hindi pala ako namiklamata kahapon? Si Brayden nga talaga ang nakita ko'ng tumulong at bumuhat sa akin.


Bigla ko tuloy naramdaman na nag-iinit ang aking mag-kabilang pisngi. Naaalala ko na naman ang pag-kakayap sa akin ni Brayden. Feeling ko ay hanggang ngayon ramdam ko pa rin ang kanyang mga yakap.


"Earth to Sabel. Hello? Are you listening?" Nabalik ako sa aking sarili ng yugyugin ako ni Flare.


"H-huh. Ano'ng sinasabi mo, bes?" Tanong ko.


"Bes, can you make kinig-kinig to me naman? It's so hard to talk kaya when you are not listening to me." Maarte na naman nito'ng sambit. Nagtataka na tuloy ako kung sino ba sa aming dalawa ni Flare ang naalog ang utak.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now