Chapter 19 (Part 2)

25.4K 613 7
                                    

WARNING! SLIGHT SPG SCENE HERE!


~❤~❤~❤~


Yung puso ko, para ng sasabog sa sobrang kasiyahan. Sobrang nagagalak talaga akong makita lahat ng mga naging kaibigan ko noong grade school at hanggang ngayong college. Sinabi na din sa akin ni Flare at Dylan ang lahat-lahat ng pagpa-plano nila sa birthday ko at sa mga taong nakatulong nila upang maging successful ang surprises nila sa akin. Kahit na muntik na daw pumalpak ang plano nila.

"Thank you very very much talaga sa inyong dalawa." At dahil hindi ko na mapigilan ang sobrang kasiyahan na nararamdaman ko ay parehas ko silang niyakap.

"Basta i-enjoy mo lang itong birthday mo. Malaking kabayaran na iyon sa amin." Dylan said, then he pat my head "Why don't you go to your friends? Kami na muna ang bahala sa mga ibang bisita." He added.

"Yeah, he's right." Pag-sang-ayon ni Flare.

Tumango ako at nginitian silang dalawa, bago ako nag-lakad papunta sa mga kaibigan ko.

I can't stop my excitement na maka-kwentuhan ulit lahat ng mga kaibigan ko. Hindi ko na kasi nakikita o nakaka-usap ang mga ito, dahil bukod sa malayo na kami sa isa't-isa ay busy din sila sa kanilang pag-aaral. Sobrang late na late na nga ako sa balita. Dahil napag-alam ko kanina na may anak na pala ang dalawa ko'ng grade school friends na si Rhea and Terry. At mas nagulat pa ako ng malaman ko na may anak na rin ang makulit, masayahin at pinaka-bata sa grupo ng The bully's na si Wesley. Hindi ko na sila masyadong na entertain kanina, dahil inasikaso ko pa ang mga inimbitahang business partners ni Mommy Hailey.

Speaking of Mommy Hailey. Hindi ko pa pala siya nakaka-usap o nakikita ngayong araw.

Binalikan ko si Flare at Dylan upang tanungin ang mga ito "Where's Mommy Hailey? I haven't seen her today. Di ba ang sabi niyo nandito din siya ngayon?"

Yung dalawa nag-titinginan lang sa isa't-isa, na parang hindi alam kung paano sasagutin ang tanong ko. Imposible naman na hindi nila alam 'cause as I remember, they said a while ago, that before the party started ay kasama nila si Mommy Hailey.

"Mahirap ba sagutin ang tanong ko? Where's Mommy Hailey? I want to see and thank her."

Nakatingin lang ako 'kay Flare, dahil parang may gusto itong sabihin ngunit hindi niya lang masabi-sabi "Um..ano..um...kasi--Oh! there she is." Turo niya mula sa likuran ko.

Tumingin ako sa likuran ko at laking gulat ko ng makita ko si Mommy Hailey na kasama ang Lola at Lolo ni Brayden. Kaya naman mabilis ako'ng lumapit sa kanila kahit na hirap na hirap ako sa suot ko'ng gown and high heels.

"Mamita, Lolo! You came." Sabi ko at niyakap sila ng mahigpit. Gosh! I miss them so much.

"Kailan pa po kayo umuwi? Bakit hindi niyo po sinabi sa akin? Sana po'ng nakasama ako sa pag-sundo sa inyo." Natatawang nakatingin lang ang tatlo sa akin.

"Part of the plan, Anak" Mommy Hailey said. Nilapitan ko siya at niyakap din.

"Mommy Hailey, Thank you so much po sa lahat."

"No problem, Anak. Happy Birthday." Humiwalay na ako sa pagkakayakap sa kanya "You look stunning. Manang-mana ka talaga sa akin, Anak. Maganda."

"Thank you po." I said and gave her a smile.

Nilapitan ako ni Mamita at hinawakan ang mag-kabilang pisngi ko. Kita ko sa kanyang mga mata ang saya at ang mga luha niyang gusto ng kumawala "You are really gorgeous, Apo. Hindi na ako makapag-hintay kanina na makita ka agad, 'cause I'm too excited to see my one and only beautiful, Apo. I really really missed you. Happy Birthday apo." Nag-yakapan kami ulit. Nakaka-miss talaga ang yakap ng mga Lola, right?

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon