Chapter 34

20.3K 478 11
                                    



Isabelle's POV


Aish! Nasaan na ba 'yon. Alam ko dito ko lang naman nilagay sa bag 'yon. Pero bakit wala.


"Ano'ng hinahanap mo?" Tanong ni Flare.


"'Yong pitaka ko. Alam ko nandito lang 'yon sa bag ko. Pero hindi ko makita eh." Imposible naman na maiwan ko sa bahay dahil naka pag bayad naman ako ng pamasahe. At imposible din na maiwan sa room dahil hindi ko naman inilabas doon ang aking pitaka.


"Baka naman naiwan mo sa cr...Halika ka nga balikan natin."


Bumalik kami ni Flare kung saan kami nag-cr kanina. Hinanap namin ang aking wallet pero hindi namin ito nakita.


"Baka naman may kinuha ka sa bag mo, tapos hindi mo napansin na nalaglag." Inisip ko naman kung may kinuha ba ako.


"Ah. 'Yong cellphone ko." Kanina kasi ng palabas kami ni Flare sa classroom ay doon ko kinuha ang aking cellphone sa bag. May nag cacall kasi.


"Saan mo banda kinuha?"


"Banda sa room."


"Oh, edi doon tayo maghanap." Hinila ako ni Flare at nag-lakad kami pabalik ng room.


Kada nadadaanan namin ay tinitignan namin ni Flare, baka kasi kung saan-saan ko lang nalaglag 'yong wallet ko.


Hindi pa naman pwede mawala iyon. Masyadong importante sa'kin ang mga laman 'non. At mas lalong hindi pwede na may makakita kung ano ang laman 'non.


Nakuha na namin makabalik ni Flare sa room, pero 'yong pitaka ko hindi pa din nagpapakita.


'My beloved wallet. Please come back to me. I'm so hungry T.T'


"Mukhang iniwan na talaga ako ng pitaka ko, bes. Ginawa ko naman ng lahat ah. Iningatan, inalagaan at minahal ko siya. Pero bakit iniwan niya pa din ako? Ganito nalang ba talaga ang magiging takbo ng buhay ko? Laging iiwanan? I did my best but I think my best is not enough. Hay buhay." Sabi ko at bumuntong hininga.


"Nawalan lang ng pitaka, kailangan huhugot na? Patiwakal ka nalang, bes." Flare said in a sarcastic tone.


"Come here." Pag tingin ko nakita ko si Sebastian. Hawak niya ang kamay ko and obviously hinila niya ako. Napansin ko naman si Cleo at Amber na nandoon pa din sa dati nilang pwesto kanina.


Aba, bakit nandito pa din ang mga ito?


Nang makalapit kami sa kinaroroonan ng dalawa ay pinaupo ako ni Sebastian sa isang upuan.


Nag-umpisa na ako'ng magtaka. Dahil silang tatlo ay nakatingin lang sa akin. Habang 'yong mga kamay nila naka crossarms tapos pare-parehas pa nakataas ang kanilang right eyebrow.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon