Chapter 82

9.9K 234 6
                                    




Nakita ni Brayden na pumasok sa isang sasakyan si Shaina at Isabelle. Humanap din siya ng pwedeng masakyan at ng may makita siya ay agad niya itong pinuntahan. Nakahinga siya ng maluwag ng hindi naman naka lock ang pinto ng kotse at nasa loob din ang susi.




Pinaandar niya ito at sinundan ang kotse na sinasakyan nila Isabelle. Sobrang bilis na ng pagmamaneho niya para lang mahabol sila.




Nang mapatingin si Shaina sa side mirror ay napansin niya ang kotse na sumusunod sa kanila at nakita niya din ang itsura ni Brayden "Bullsh*t! Talagang hindi sumusuko 'yang asawa mo. Pero hindi ko hahayaan na bumalik ka sa kanya ng buhay!!" Binilisan naman ni Shaina ang pagmamaneho.




Nang makaipon na ng lakas si Isabelle ay nagawa na nitong magsalita "Tumigil ka na... Shaina... wala din kahihinatnan itong ginagawa mo!" Hirap na sambit ni Isabelle.




"Tumahimik ka! Sa oras na mapatay kita, isusunod ko si Brayden at ang mga mahal mo sa buhay!"




"Sa tingin mo ba hahayaan ko'ng gawin mo 'yon? Pwes hindi!" Sigaw ni Isabelle at ginulo sa pagmamaneho si Shaina.




Napamura nalang si Shaina dahil sa ginawa ni Isabelle. Pagewang-gewang na ngayon ang pagmamaneho ni Shaina. Muntikan pa silang mabungo sa isang malaking truck pero naiwasan lang ito ni Shaina.




"Mabuti ng mamatay akong kasama ka! Nang matigil na ang kasamaan mo!" Patuloy pa din si Isabelle sa panggugulo niya sa pagdadrive ni Shaina.




Parehas silang napasigaw ng hindi nila namalayan na sa malaking poste paderetso ang sinasakyan nila. Bumungo ng malakas ang kotse sa poste. Warak sa harap at basag ang salamin.




Nanlaki ang mga mata ni Brayden ng makita ang nangyari sa sinasakyan ni Isabelle. Umuusok na ito dala ng pagkakabungo. Inihinto niya ang kotse na sinasakyan niya malapit sa pinangyarihan ng aksidente at mabilis na bumaba para lapitan si Isabelle.




Nanginig ang buong katawan niya ng makita ang duguan at walang malay na si Isabelle. Pinilit niyang buksan ang pinto ng kotse para ilabas ito.




"Ysa, please wake up. Don't do this to me... Please wake up!" Luhaang sabi ni Brayden.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now