Chapter 38

18K 452 12
                                    

Here's Dylan's FIRST POV haha. (Song Joong Ki as Dylan Sandoval)


~❤~❤~❤~


Dylan's POV


Nandito ako ngayon sa ***** Hospital. Matapos kasing banggitin ni Isabelle ang pangalan ko ay bigla nalang siya nawalan ng malay. Kaya naman agad ko na siyang dinala dito sa hospital.


Hindi ko alam kung ano ba ang nangyari kay Isabelle. Pero mukhang napakalaki ng pinagdadaanan niya ngayon.


Napatingin ako pintuan ng hospital room ni Isabelle ng bumukas ito.


"Hindi pa ba siya nagigising?" Sambit ng babae na pumasok. Umiling ako at tinignan si Isabelle na nakahiga sa hospital bed.


Kanina ng saktong mawalan ng malay si Isabelle ay may lumapit na isang babae sa amin. And she said that she's Isabelle's mother. Nagdududa nga ako kung paano naging nanay ni Isabelle itong babae. Dahil sa pagkaka-alam ko ay patay na ang mga magulang niya.


"Alam ko nagdududa ka sa akin..." Nalipat ang tingin ko doon sa babae na naglalakad palapit kay Isabelle "Sa isang ina na katulad ko sobrang saya isipin na makikita at mahahagkan ko ang anak ko na noon ay inakala ko'ng patay na..." Nagulat ako sa sinabi nito. Kahit na hindi ko alam kung ano ba ang ibig sabihin niya ay nararamdaman ko pa din na isa siyang ina na maagang naulila sa kanyang anak "Pero mas masakit isipin na hindi ako kayang tanggapin ng anak ko bilang tunay niyang ina." Nag-umpisa ng tumulo ang luha ng babae. Hinawakan niya ang kamay ni Isabelle habang patuloy pa din sa pagluha.


Hindi ko mapigilan ang hindi maawa dahil talagang sobrang nangungulila ito sa kaniyang anak.


"Maybe not now. But soon, I know Isabelle will accept you, Ma'am. She's very kind, at alam ko na hindi siya 'yong tipo ng tao na marunong magtanim ng galit." Sabi ko nalang para kahit paano ay mapagaan ko ang kanyang loob.


Tumingin sa akin 'yong babae ng nakangiti "Kaibigan ka ba ng, Anak ko?" Sabay punas sa luha niya.


"Yes, Ma'am. I'm Dylan Sandoval." Pormal ko'ng sambit. Hindi ko pa kasi alam ang pangalan niya.


" 'Ma'am' is too formal. Just call me, Tita Laila." Sabi niya. Biglang tumunog ang kanyang cellphone. Kinuha niya ito at bago niya sagutin ay tinignan niya muna ako "Ikaw na muna ang bahala 'kay Isabelle." Tumango ako at lumabas na siya.


Naka-upo lang ako sa couch nitong hospital room ni Isabelle. Nakatitig sa kanya at nananalangin na sana ay magising na siya.


Agad akong napatayo ng makita ko na iminulat na ni Isabelle ang kanyang mga mata.


-


Isabelle's POV


Pagbukas ko sa aking mga mata naramdam ko agad 'yong pagkirot ng ulo. Napahawak pa ako sa sobrang sakit. Tinignan ko 'yong paligid ko. Puro puti ang nakikita ko kahit saan man ako tumingin... Teka patay na ba ako? Baka nasa heaven na ako.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon