Chapter 60

15.9K 333 3
                                    




Isabelle's POV




Nagising ako ng makarinig ako ng sumisigaw mula sa labas ng kwarto. Boses iyon ng isang admin. Siguro oras na para gumising kami. Tinignan ko yung oras at saktong 5am na. Sa pagkaka-alam ko 6am ang breakfast time. Tumayo na ako para makaligo. Hinayaan ko na matulog muna 'yong tatlo. Mabuti na nga lang at malaki itong room tapos may dalawa pang queen size bed. Syempre kami ni Flare 'yong magkatabi.




Pagkalabas ko ng cr. Nakita ko na gising na 'yong tatlo. Napatigil sila sa pagtutupi ng higaan at napatingin sa akin.




"Good--" Hindi na ako natapos magsalita ng bigla silang tumakbo palapit sa akin tapos niyakap ako.




"Oh my gosh! Bes bakit hindi mo naman sinabi sa amin! Kyahhh. I'm so happy for you." Nagtatatalon pa sila kaya mas lalo kong naramdaman na nasasakal na ako.




I'm so happy for you raw. Pero parang gusto na akong sakalin ng bonggang-bonga hanggang sa malagutan na ako ng hininga.




"Teka nga. Nasasakal naman ako." *cough*cough*




Humiwalay na sila sa akin at sabay peace sign pa "Balak niyo ba akong patayin ha? Kung makayakap kayo parang ilang dekada tayong hindi nagkita-kita." 




"Eh kasi nga masaya kami." Ngiting-ngiti na sabi ni Amber.




"Eh bakit nga?" Papahirapan pa ako ng mga ito eh.




"Bas--Oh wait. They're here." Tumakbo papunta sa may pintuan si Amber. Tinignan ko si Flare at Cleo. Pero nginitian lang nila ako. 




Naiiling nalang ako. Dahil mukha naman na may alam sila na hindi ko alam.




Pagbalik ni Amber nakita ko na kasama niya na 'yong boys. Kasama na si Sebastian doon. Katulad ng ginawa ng tatlo kanina ay niyakap din ako ni Sebastian.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now