Chapter 27

19.5K 425 5
                                    



"Kyro!!!" Kahit na may natamo akong gasgas at sugat. At kahit na masakit ang aking isang paa st kamay ay ginawa ko pa din tumayo para lapitan ang walang malay na si Kyro.


"Kyro, please wake up." Umiiyak ko'ng sabi. Madami ng mga tao ang naka-lupong sa akin para maki chismis, pero meron din naman akong naririnig na tumatawag ng ambulansiya.


Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil duguan ang ulo ni Kyro ngayon. Mayroon din siyang mga sugat. Ang sasakyan na sumagasa sa amin ay hindi ko na makita.


"Ms. Wag ka na munang masyado gumalaw." Sabi ng isang ginang.


"Please tulungan niyo siya. Please." Pagmamakaawa ko. Kahit anong pilit ko na gisingin si Kyro ay hindi niya iminumulat ang kanyang mga mata. Bakit siya pa? Dapat ako nalang ang mas napuruhan. Ang bata-bata niya pa.


Iyak lang ako ng iyak. Sobrang sinisisi ko ang sarili ko. Kung hindi ko siya iniwan hindi manyayari sa kanya ito.


"Ma'am kami na po ang bahala sa kanya." Sabi ng isang lalaki na sa tingin ko ay isang medic. May lumapit pa'ng dalawang lalaki at inilagay nila si Kyro sa stretcher.


May lumapit naman isang babae sa akin at inalalayan ako'ng tumayo "Tara na po. Kailangan niyo na din po'ng magamot."


Tulala lang ako at hindi ko pa din matanggap ang nangyari. Gusto ko'ng puntahan si Kyro pero 'di ako pinayagan ng mga medic dahil kailangan na din daw ako'ng dalhin sa hospital.


**HOSPITAL**


Pagkadating na pagkadating ng ambulansiya na sinasakyan ko sa hospital ay agad na akong ginamot ng mga nurse. Sa ngayon ay hindi ko pa alam ang kalagayan ni Kyro dahil sa kabilang ambulansiya siya isinakay. Hindi pa din maalis-alis ang takot ko. Sobrang natatakot sa kung ano ang pwedeng manyari kay Kyro.


"Ma'am mag-pahinga na po muna kayo." Sabi ng isang na na nag-gagamot sa akin. Tapos ng gamutin ang mga sugat ko.


"Uhm nurse. Alam niyo po ba kung nasaan ngayon yung batang kasama ko?" Tanong ko.


"Nandoon po siya sa emergency room. Ginagamot siya ng mga doctor." Sagot naman ng nurse. Tumango na lang ako.


Pagka-alis ng nurse ay kinuha ko ang phone ko na hanggang ngayon ay nasa bulsa pa din ng pants ko. May crack na ito pero gumagana pa naman.


Noong una ay nag-dadalawang isip pa ako na tawagan si Dylan. Natatakot ako na sabihin sa kanya ang nangyari sa kapatid niya. Lalo na at ipinangako ko pa naman na hindi ko hahayaan na may mangyaring masama kay Kyro. Pero kailangan pa din nilang malaman ang nangyari kaya nag-lakas loob na ako'ng tawagan siya.


"I'm really sorry, Dylan." Umiiyak ko'ng sabi.


I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now