Chapter 21

23.3K 526 21
                                    


Isabelle's POV


One week. It's been one week since something happened between to me and Brayden. At isang linggo ko na din siyang hindi nakikita. Basta ang alam ko ay pag-gising ko kinabukasan ay wala na siya sa hotel room ko.


So, gano'n-gano'n na lang 'yon? Papasok siya ng walang paalam sa kwarto ko tapos kukunin ang pinaka-iingatan ko'ng virginity. Tapos aalis at hindi mag-papakita na parang wala lang ang kinuha niya sa akin. Gosh! for pete's sake! That's my fvking virginity. >.<


At kung kailan talaga nag-18 ako doon mawawala ang virginity ko? Pwede naman mawala 'yon pag ikinasal na ako sa aking Mr. Right, di ba?


"Bes, nalulunod na ako sa lalim ng iniisip mo. Penge naman ng salbabida diyan." Loko talaga ang Flare na ito.


Ay nako, bakit ko ba inaalala 'yon? Eh kasi naman, nakuha ng isang walang kwentang lalaki ang iniingatan ko. Hindi naman siya yung mapapangasawa ko. Ano na lang ang sasabihin ng magiging soon-to-be-husband ko pag nalaman niyang hindi siya ang una ko'ng naka---opps, alam niyo na 'yon.


Waaah! My precious virginity T.T


"Bes!"


Sinasabi ko palang noon sa sarili ko na swerte ang magiging asawa ko soon, dahil hindi ako katulad ng ibang babae na kung kani-kanino lang nakikipag anuhan. Tapos sa isang iglap mawawala lang bigla ang iniingatan ko para sa mapapangasawa ko. Ano 'to lokohan?


"Bes!!!"


"Ayanakkangtatayatnanaymo--Ano ba!" Bwisit ah. Muntikan na ako'ng atakihin 'don.


"Malamang. Alangan naman anak ako ng tatay at nanay mo...Kanina pa kita tinatawag hindi mo ako pinapansin. Para sabihin ko sayo nandito na tayo sa bahay nila Amber. Tsk" Inis na sambit ni Flare at pinindot ang doorbell sa bahay nila Amber.


Sa sobrang lalim ng iniisip ko, hindi ko na napapansin ang nasa paligid ko. Paano nalang pala kung nasagasaan ako? Ay nako! mumultuhin ko talaga ang Brayden na 'yon.


Pinagbuksan kami ng gate ng maid, kaya naman pumasok na kami sa loob ni Flare. Dito kasi sa mansyon nila Amber kami gagawa ng report para sa isang feeling major subject namin. Sayang nga lang at hindi namin kasama si Cleo at Sebastian. 3 person per group lang kasi at yung si Ms. Dela Cruz pa ang nag-group sa amin.


Kainis talaga yung ibang professor na minor lang ang subject na tinuturo nila, pero dinaig pa ang mga ibang major na subjects. -_-


-


"Amber, Penge naman ng pagkain. Nagugutom ako." Naka-pout ko'ng sabi 'kay Amber na busy sa pagsu-sulat sa manila paper.


"Wala naman sa akin ang ref. namin, Isabelle. Nandoon sa baba sa kusina. Ikaw na kumuha ng gusto mo'ng kainin." Seryoso niyang sabi ng hindi tumitingin sa akin.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now