Chapter 35

21.1K 459 7
                                    

Hi readers.

Sorry sa late update. At manghihingi pa ako ng sorry dahil baka sa sunday na ako ulit maka pag-UD. SORRY GUYS. Wala kasing power sa amin bukas eh. Thank you sa pag-unawa ^^


~❤~❤~❤~


Flare's POV


Habang naglalakad ako papunta sa locker ng mga boys ay hindi maalis ang mga ngiti ko sa aking labi. Excited na kasi ako'ng ibigay itong cake na ginawa ko para sa espesyal na tao sa akin. At kung sino 'yon. Secret muna.


Napag-alam ko kasi nung isang araw na favorite niya pala ang mango cake. Kaya naman kahit wala akong talento sa pagbe-bake ay gumawa pa din ako. Para sa kanya.


Nang makadating na ako sa locker ng mga boys ay tinignan ko muna kung wala ba'ng tao na malapit sa kinaroroonan ko.


Tingin sa kanan...Tingin sa kaliwa. Okay, Clear.


Lumapit na ako sa locker niya, pero sa kasamaang palad ay naka-lock ito. May naisip naman ako'ng ideya. Kumuha ako ng hairpin sa bag ko at binuksan ang locker niya. Don't get me wrong, hindi ako masamang tao. Sadyang kaya ko lang gawing susi ang hairpin. Hehe.


And success. Na-open ko 'yong locker niya kaya naman nilagay ko na sa loob 'yong mango cake. Sasara ko na sana 'yong pintuan ng locker ng may mapansin ako'ng picture niya kasama 'yong babae na nakita ko noon na niyakap niya. Biglang kumulo iyong dugo ko. Kaya naman kinuha ko 'yong picture tsaka ito hinati sa dalawa. Kinuha ko lang 'yong picture nung babae. Nilamukos ko ito tsaka itinapon sa basurahan.


Hindi ako bad. Nag-seselos lang ako.


Sinara ko na 'yong pinto ng locker at nag-tago. Panigurado kasing padating na siya.


After 3 minutes nakita ko na siyang naglalakad.


Ang gwapo niya talaga. Malapitan man o malayuan ay napaka-kisig niya pa din. Para siyang isang anghel na ipinadala para sa akin. Kaso imahinasyon ko lang 'yong 'para sa akin' eh ang dami-dami ko'ng kaagaw sa kanya. Sarap sabunutan nung mga babaeng laging umaaligid sa kanya.


Sobrang titig ko lang sa kanya, habang binubuksan niya 'yong locker niya. Hinihintay ko 'yong magiging reaksyon niya doon sa cake. Kaso wala, poker face pa din siya. Nakatitig pa din ako sa kanya habang seryoso siyang nakatitig sa box ng cake.


Binuksan niya na 'yong box at tinikman ang cake gamit ang kanyang daliri. Mabilis naman ako'ng napatago ng makita ko na patingin siya sa gawi ko. Tinakpan ko ang aking bibig para pigilan 'yong kilig ko na kanina ko pa pinipigilan ng pinipigilan.


'Sana naman nasarapan siya. Hihi.'


Sumilip ako para tignan kung nakatingin pa ba siya. Pag-silip ko nanlaki bigla ang aking mga mata.


I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now