Chapter 43

17.3K 396 1
                                    




Seraphina's POV



"Pwede ba Brayden, tigilan mo na 'yan!" Kanina ko pa inaawat itong si Brayden sa pag-inom niya ng alak, pero hindi niya ako pinapansin. Patuloy pa din siya sa pag-inom. Lasing na lasing na din siya dahil naka 4 buckets na siya.


Ewan ko ba ano'ng nangyayari sa lalaking 'to. Nalaman ko lang na nandito siya sa bar na tinambayan nila ng mga kabigan niya dahil may nagsabi sa akin na kakilala ko. At heto ang inabutan ko pagkadating ko dito sa bar. Ang lasing na lasing na si Brayden. As I can see, he's not with his friend. Siya lang naman ang mag-isa ko'ng inabutan.


"Wai...ter *hik* alak nga *hik*" Alos hindi niya na kayanin magsalita at kumilos ng maayos.


"Huwag mo na siyang ikukuha." Utos ko 'don sa waiter "C'mon iuuwi na kita." Tinatayo ko siya pero magpapadulas naman siya at mauupo don sa sofa.


" *Hik* Alish *Hik* Huwag mo *Hik* akong *Hik* pigilan...Hoy waiter! *Hik* alak dali *Hik*" Kahit pagewang-gewang na siyang maglakad ay pinilit niya pa din hanggang sa makarating siya don sa may bartender.


Pilit siyang nanghihingi ng alak. Pero pinipigilan ko 'yong bartender. Lahat ng inuutusan niya ay binabawalan ko. Para lang hindi siya ikuha ng alak.


Hila na ako ng hila sa kanya para ilayo siya sa mga alak at para din ilabas na siya dito sa bar. Pero dahil mas malakas siya sa akin ay walang nangyayari sa ginagawaa ko. Natutulak na nga niya ako sa tuwing kukunin ko 'yong alak na hawak niya.


"C'mon Brayden, Lets go home, lasing na lasing ka na." Sabi ko tsaka ko siya hinihila. Nakakahiya na dahil kanina pa kami pinagtitinginan ng mga tao na malapit sa amin na nandito din sa bar.


"Leave me alone!" Malakas niyang sigaw at buong lakas niya din ako'ng itinulak.


Damn! Nauubusan na ako ng pasensya sa lalaking 'to.


Pagkatulak sa akin ni Brayden ay naramdaman ko'ng may sumalo sa akin. 


"Thank---" Oh no! Bakit nandito siya? A-anong ginagawa niya dito sa pilipinas.


Hindi ko maalis 'yong tingin ko sa lalaking sumalo sa akin. Gulat at kaba ang nararamdaman ko ngayon. Hindi pwede 'to.


"I knew it. Ikaw nga, Sera" Iniwas ko 'yong tingin ko. Gosh!


"Sorry, but I don't know you." Sabi ko. Nilapitan ko ulit si Brayden "Brayden tara na." Gigil ko'ng sabi. Kahit na mabigay si Brayden ay inakay ko na siya at pinilit ko'ng maglakad para lang makalabas na kami dito sa bar.


"Ano ba! Hindi nga kita kilala!" Sabi ko ng hawakan 'nong sumalo sa akin ang braso ko.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now