Chapter 4

33.7K 880 7
                                    

Ahn Sohee of wonder girls will be Shania. And the others will be her friends.

~❤~❤~❤~


Isabelle's POV 


Nandito kami ngayon ni Flare sa broadcasting station ng school. Kailangan kasi namin ayusin at linisin ito, dahil gagamitin namin ito bukas for some announcements. Part kami ng student council ni Flare. Dito kasi sa school ay dapat sumali sa mga organization. Eh parehas namin hindi trip ang sumali sa mga sports, writing at photography club. Kaya sa student council nalang kami sumali.


"It's that true, bes?! So eto na nga ba ang simula ng pagiging mag-asawa niyo ni Brayden ha?! Oh, my gosh! I'm so happy for you bes." Kung O.A ako mas O.A naman sa akin 'tong kaibigan ko. Nag-tatatalon pa sa tuwa si Flare. Sinabi ko kasi sa kanya ang aksidenteng pag-ki-kiss namin ni Brayden kahapon.


"Yihhh. Kinikilig ako para sa inyo, bes." Sabi ni Flare at pinag-tutulak pa ako.


"Nakaka-kilig nga, pero ito'ng si Brayden naman diring-diri. Wala naman virus ang mga labi ko, ah."


"Pakipot lang 'yang asawa mo. But deep inside nagustuhan niya ang mga halik mo. Ayihhh." Tuwang-tuwa talaga ito'ng si Flare. Wala kasing love life kaya ayan sa amin nalang ni Brayden siya kinikilig "Isabelle Villanueva-Anderson. Bagay na bagay sayo, bes. Kaya 'yang mga babae'ng lumalapit sa asawa mo ay wala'ng panama sayo, dahil sila mag-papa-kahirap pa na makuha at malapitan si Brayden, pero ikaw everyday mo'ng nakakasama at nakikita ang casanova mo'ng asawa." Everyday ko ngang nakikita at nakakasama si Brayden, pero wala pa rin naman pag-babago. It feels like I'm a stranger to him.


"Hayy. Tama na ang kilig moment, bes. Oras na, baka hanapin na ako at ikaw" 


At exact 5pm ng matapos kaming maglinis ni Flare. 


Kinuha na namin ang aming gamit at nag-lakad na palabas ng broadcasting station.


Naglalakad lang kami sa may hallway ng mapansin ko'ng nakatingin sa amin ang mga ibang estudyante na nasa school pa. Yung iba sobrang sama pa ng tingin.


"Madungis ba ang itsura natin, bes?" Tanong ko 'kay Flare. Tumingin ito sa akin at tinignan ako mula ulo hanggang paa.


"Hmm, hindi naman. Mukhang madungis lang."


"First time lang ba makakita ng mga estudyante ng madungis ha? Grabe ang mga tingin nila sa atin oh." Patuloy pa din kami sa paglalakad ni Flare at lahat ng mga estudyante'ng nadadaanan namin ay nakatingin sa amin. Meron pa na bigla-bigla nalang mag-bubulungan.


"Masyado kasi tayong maganda, bes. Kaya ganyan." Hindi ko na pinansin ang mga nakatingin sa amin.


Napahinto kami sa pag-lalakad ni Flare ng humarang sa daanan namin ang grupo ni Shania. Eto yung grupo sa section C na may gusto sa grupo nila Brayden.


"You bitch!" Matalim ang mga mata ni Shania na nakatingin sa akin. Bakas sa kanyang mukha ang galit. Siya ang lider sa kanilang lima.

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now