Chapter 78

12.6K 277 52
                                    




Brayden's POV



"Sir, maraming salamat po talaga ah. Kung hindi niyo po siguro nakita ang nanay ko, baka hindi na siya naagapan. Maraming salamat po talaga."




"Naku walang anuman po, pasabi nalang po kay nanay na magpagaling siya... Sige po mauna na ako." 




Kanina kasi ng maihatid ko si Ysa sa bahay nila at papunta na ako ng kumpanya ay may nakita akong isang matandang babae na biglang nawalan ng malay, kaya naman tinulungan ko ito at dinala agad sa hospital. Sabi nga ng doctor kanina ay mabuti at agad nadala sa hospital yung matanda dahil kung hindi baka tuluyan na itong inatake sa puso. Dala din daw kasi ng sobrang init ang nangyari sa matanda. 




Inabot na nga ako ng alas-syete dito sa hospital dahil hinintay ko pang dumating yung pamilya nung matanda. Panigurado nga niyan, nag-aalala or galit na si mom. May usapan kasi kami na magdidinner kami ngayon. Hindi ko naman siya matawagan dahil lowbat ang phone ko, wala din naman akong mahanap na charging station dito sa hospital. Bahala na nga, maiintindihan naman ako siguro ni mom.




Pagkapasok ko sa kotse ko ay agad ko'ng chinarge ang phone ko. Chinarge ko muna ito ng ilang minuto tsaka ito sinindi. Pagka-open na pagka-open ng phone ko tuloy-tuloy ito sa pagtunog dahil sa mga messages. 




25 messages from Mom

5 messages from Mylife <3



Konti lang naman pala eh. Akala ko pa naman makakakita na naman ako ng 100+ messages galing kay Mom. Dati kasi nakatanggap ako sa kanya ng 100+ messages, and that time lowbat din phone ko. Una ko na munang binasa yung messages ni Ysa.




From: Mylife <3

Fvck! Brayden. Answer your phone!!!!! Where the hell are you?!!!




Unang basa ko palang sa message ni Ysa ay agad ko ng idinial ang number niya. Mukhang mas matinding sigaw at sermon ang aabutin ko ne'to kay Ysa. Wrong timing naman kasi mag-lowbat ang phone ko. Naka-ilang beses pa akong dial sa number ni Ysa pero cannot be reach pa din ito. Naisipan ko'ng pumunta na muna sa bahay nila, pero tinext ko na una si mom para sabihan.




Nang makarating ako sa bahay nila ay agad ko siyang hinanap sa mga maid, kaso sabi naman nila ay hindi pa ito umuuwi. 

I'm secretly married to a Casanova [Completed]Where stories live. Discover now